Meet KATE ALONZO (just look up)
"YOUR DEAD"
Jasmine's POV
Arghh,ang sakit nang ulo ko,
f*ck ano ba ang nangyayari sakin? sh*t ang sakit sakit nang katawan ko,parang naparalisa, dinaganan ba ako ng sumo wrestler ng di ko nalalaman?...tang*naDahan dahan kong ginalaw ang katawan ko para malaman ko kung buo pa katawan ko pero sa bawat galaw na aking ginagawa ay parang mas domodoble ang sakit na nararamdaman ko, parang pinipilipit ako sa sakit!
Hininto ko ang paggalaw at huminga nang malalim dahil feeling ko mawawalan ulit ako nang malay dahil sa panghihina at kawalan ng lakas, sa halip sinubukan na lamang imulat ang mata pero dahil sa kahinaan, mukang pati ang mga mata ko ay nahihirapang imulat...
At dahil sa matigas ang ulo ko, pinilit kung imulat ang aking mga mata at nakita ang sobrang dilim na paligid, sa isang pagkurap na ginawa ko ay parang nahilo na agad ako, parang umiikot ang paningin ko...
Hindi nagtagal ay naramdaman kong pumikit nang kusa ang aking mga mata at nawalan nang malay...
--------------------
Nadatnan ko ang aking sarili sa isang lugar kung saan maraming tao na nagkakagulo or sabihin na nating nagpapatayan silang lahat, kanya kanyang saksak, suntok, tadyak at protekta sa sarili
Hindi ko alam kung paano ako napunta dito? ang naaalala ko lang ay nahimatay ako sa isang madilin na lugar...
Paano ba ako napunta dito? Natanong ko na lamang sa aking sarili "young lady" biglang pagtawag nang isang lalake sa akin
Taka ko itong pinagmasdan, teka parang pamilyar ang itsura niya?parang nakita ko na siya dati, ngunit di ko maalala!
Lumapit siya sa kinaroroonan ko pero nung halos nasa harapan ko na lamang siya ay bigla na lamang siyang tumagos sa aking katawan na ikinabahala ko
Teka ano ba ang nangyayari?bakit siya tumagos? Patay na ba ako? at bakit ako nandito? ano ba ang lugar na toh? Anong ibig sabihin nito? Naguguluhan at sunod sunod kong tanong sa aking isipan...
Dali dali akong lumingon sa aking likuran upang tignan kung sino ang tinatawag niya na parang pamilyar sa akin, literal na pamilyar ang pangyayareng ito sakin
Nakita ko roon ang isang babaeng punong puno nang dugo ang damit na nakaluhod sa lupa habang hawak hawak ang esapada niyang nakatusok sa lupa na may tumotulo rin na napakaraming dugo "young lady,ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong nang lalake tsaka ito nilapitan at bahagyang hinawakan ang kanang balikat
Di nga ako nagkakamali pamilyar ang pangyayaring ito sa akin, parang nangyari na ito dati sa akin...kaya pala sobrang pamilyar sa akin ang lalake at ang kapaligiran, kung hindi ako nagkakamali siya si RAIN ang kanang kamay ko at ako ang tinatawag niyang YOUNG LADY!!!!
BINABASA MO ANG
DARK UNIVERSITY;(School Of Demons)
Misterio / SuspensoBE CAREFUL ON YOUR ACTIONS BECAUSE ACTIONS MAY LEAD TO YOUR DEATH!!! halika pasukin mo ang paaralang magpapatindig na iyong balahibo! huwag kang magkakamaling tumahak nang landas kakayanin mo bang makipagsapalaran sa kamatayan? o hihinto ka na lama...