CHAPTER 10

16 1 1
                                    

"FRIENDS"

Someone's POV

"Scared but cute!" Natatawa kong saad sa sarili, yung nanlalaki nyang mga mata, yung malalalim na paghinga nya at ang mga labing nanginginig

Masaya ako ngayon sa totoo lang, ang bagong estudyanteng yun, tsk mukang may bagong paglalaroan ang eskwelahang ito

Pero okay lang naman masaya rin naman ako sa bagong laroan, lalo na kung mga buhay nila, iiling iling ako habang inaalala ang itsura ng babaeng natakot ko atah, hagisan ba naman daw nang patalim haha

Natatawa ako sa itsura nya, mukang inosente pero mukang may tinatago, may angking bilis ang bagong salta na yun

Wanna know why?

FLASHBACK

Nasa classroom lang ako, typical na estudyante na nakaupo sa pwesto nya habang nakikinig sa klase

Klase na kung saan tinturuan ka kung pano gumamit ng dahas sa kalaban, pero di ko na kailangan yun, alam ko na gamitin lahat gamit lang ang kagwapohan ko

Kanya kanya hawak ng mga armas ang mga kaklase ko, kasi nga diba? Pag aaralan daw namin toh ngayon! Nilalaro ko lang ang dagger ko sa kamay habang nakatingin sa bintana, kung saan diretso sa gubat

"Who the hell are you to interrupt my class!" Sigaw ni Miss Ching, sya yung terror prof namin pagdating sa mga patalim, magaling sya sa pag aasinta nang kahit anong nahahawakan nya

Naagaw nun ang atensyon ko at walang ganang tiningnan sila, di ako madaling makita sa pwesto ko dahil sa bukod ayaw kong paistorbo! Ayaw ko rin makapatay ng kaklasing maiingay

"And who the hell are you to throw that to us!" Matapang na sambit nang isang kasama nila, di ko na napansin pinag uusapan nila kanina dahil sa mga iniisip ko but I feel amazed on her, how she act and stare it's really different, I smell some innocence and danger!

Napangisi ako nang magsimula silang magkainitan, ang aga naman nang sine ko, wala akong dalang popcorn, tsk

Isa ang humarap kay Isha, ang pinaka mahina sa klase namin, she actually can aim at the target but not perfectly, not too much strong and weak personality, Ewan ko nga lang kung bakit buhay pa yan, may tinatago ring baho yan

"wow!" Naibulalas ko nalang sa sarili nang makita ko kung pano nya pinabagsak si Isha gamit lang ang isang suntok! She's strong!

Naitaas ko ang kilay ko nung bigla syang lumuhod at bahagyang napahawak sa ulo nya, may mali sa nangyayare! Pero ano ba pakealam ko? Mabuti na yan para sa first day nila

Nagsilabasan ang lahat kasama ang babae, mukang alam ko na kung saan nila dadalhin yun, puntahan ko nalang yun mamaya  pag may oras ako, bisitahin ko lang kung baga

Naiwan ako kasama ang mga kaibigan nang babae, hmmm nakatali sila kaya di sila makasunod, di naman ako masyadong masama para tapusin agad buhay nila, ayaw ko pang mawalan ng kalaro

Imbis na kalagan sila iniwan ko nalang yung isang patalim sa lamesa nang guro, alam kong nakasunod ang tingin nila sakin pero ayoko nang mag aksaya pa ng oras sa classroom na yun

Punta nalang muna ako sa office, makikibalita, pede ring namang makipaglaro ulit! Kay kamatayan nga lang

Fast Forward

Di ko na alam kung ilang minuto na ang nagdaan, pupuntahan ko na sana ang babaeng nakakulong kaso nakita ko syang naglalakad sa hallway, mukang may tinatago sya sa likod nya

DARK UNIVERSITY;(School Of Demons)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon