"YOUR TIME START"
Jasmine's POV
Waahhhh,grabe kanina pa ako nakahiga dito pero di pa rin ako nakakatulog,huhu masyado yata akong na excited para bukas..
Bukas na namin sisimulan ang plano kahit wala pa kaming clue handa kaming mag imbestiga at mag isa-isa na pedeng maging lead, kaya ito marami tuloy ang pumapasok sa kukuti ko,huhu
Pero sa totoo lang para akong hinihila palabas,parang may kung anong nagtutulak sakin na lumabas ng silid na ito
Sh*t,this is really b*ullsh*t,hayysss maka inom na nga lang ng gatas sa kusina...
Naglakad na ako patungo sa kusina at nagtimpla nang gatas habang inu-ukay ko ito,napansin kong unti-unting bumubukas ang pintuan...
"Tang*n* may multo ba dito?" Natanong ko nalang sa aking sarili...
Dahan dahan akong lumapit sa pintuan at tiningnan ang labas nito kahit na hindi maganda ang kutob ko, nagpatangay nalang ako sa kuryosidad
wala namang katao tao?
hayysss may magnanakaw pala dito?
grabe lang!
sinarahàn namin to bago matulog kanina, sigurado ako dun dahil isa akong saksi at dahil di namin alam kung anong klaseng lugar ang napasukan namin kaya ganun kami kasigurado para sa siguridad namin
Sasarahan ko na sana ito ng biglang pumasok ang isang malamig na hangin na parang yumayakap sa aking katawan, napapikit ako dahil sa magandang pakiramdam nun, di ko man maintindihan pero its making me calm...
Pinikit ko pa lalo ang aking mga mata at dinamdam ang malamig na hangin na ito...
Nung mawala na ay napatingin ako sa orasan,hmmm its 12:00am in the midnight na
di naman masamang magpahangin diba?
at mamasyal lang muna sa labas? ^_^
Kaya sa huli nagdisesyon na akong lumabas kahit parang may pumipigil sa akin na huwag lumabas ay hindi parin Ito nanalo at mag muni-muni muna ako sa labas ng silid na ito, hindi naman ako lalayo, gusto ko lang maging pamilyar dito
Yakap yakap ko ang aking sarili habang naglalakad sa pasilyong ito,mabuti na lang at kinuha ko ang aking jacket bago umalis ng dorm dahil kung hindi baka nanginginig na ako sa lamig ngayon!
Papalayo na ako ng papalayo sa aming silid at napapansin kung di na pamilyar ang dinadaanan ko pero kahit ganun ipinagpatuloy ko parin ang paglalakad sapagkat nakalimutan ko na ang dinaanan ko kanina sa sobrang dilim!
Nahinto ako sa paglalakad nang may maaninag akong isang tao di kalayuan mula sakin
"Sino naman to?" Tanong ko sa aking sarili
"hello po,sino po kayo?pede pong patulong, naliligaw po kasi ako eh" Sigaw kong tanong dito habang papalapit sa kanya, nakatalikod ito mula sakin kung Kaya di ko makita ang itsura nito
Nahinto ako nang magsimula rin itong maglakad papalapit sakin na parang may susugurin,kinabahan na ako ng todo dahil sa ikinilos nya
"t-teka s-sino p-po k-kayo?" Nauutal utal ko paring tanong dito,ngunit imbes na sagutin ako nito lalo pa syang lumalapit sakin at pabilis ito ng pabilis
BINABASA MO ANG
DARK UNIVERSITY;(School Of Demons)
Mystery / ThrillerBE CAREFUL ON YOUR ACTIONS BECAUSE ACTIONS MAY LEAD TO YOUR DEATH!!! halika pasukin mo ang paaralang magpapatindig na iyong balahibo! huwag kang magkakamaling tumahak nang landas kakayanin mo bang makipagsapalaran sa kamatayan? o hihinto ka na lama...