CHAPTER 8

20 1 0
                                    

"FIRST DAY"

Mark's POV

Pagkapasok na pagkapasok namin sa kung saang mang silid ay agad na nakita namin ang prenteng nakaupo na lalake sa isang swivel chair at may kung anong binabasang papel...

"Nandito na pala kayo,maupo kayo para masimulan na natin ang pag uusapan natin" malamig na sambit niya

"Hindi ayoko na sa lugar na toh, gusto ko nang lumabas dito, palabasin niyo na kami, we can give you a lot of money, just let us be free" nagmamakaawang sambit ni kate dito

Ngunit sa halip na sugtin ay nagtaka kami ng bigla na lamang itong tumawa ng malakas

Ano nakakatawa? May narinig ba syang joke? At sya lang tumatawa?

"I feel bad for you my new students, but hindi na kayo pedeng lumabas eh" sambit niya habang may ngisi sa labi, agad akong napanganga sa narinig

What the hell? Sila na ba nagmamay ari ng buhay namin para pagdesisyonan mga gusto namin?

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko dito na naguguluhan "pumasok kayo dito at pumirma kayo sa mga nakasulat kahapon, so ibig sabihin hindi na kayo maaaring lumabas" sagot nito

"Gag* ka ba!? lalabas kami dito sa ayaw man o sa gusto niyo" nagagalit na sambit ni ash tsaka padabog na lumabas ng silid

"Hahaha,kung makakalabas pa kayo" sambit nang lalake bago nya italikod ang swivel chair samin, napakabastos! lumabas na rin kami nang silid upang sundan sina ash at kate iniwanan ba naman daw kami sa lalakeng yun, na walang ginawa kung hindi humalakhak...

"Ash, kate wait" sambit namin habang hinahabol sila,langya ang bibilis maglakad eh "ayoko, gusto ko nang umuwi, ayoko pang mamatay" sambit ni kate na patuloy lang sa paglalakad, nararamdaman kong tutulo na ang mga luha nito, ano mang oras

"Hindi ka mamamatay kate, nandito kami poprotektahan ka namin, poprotektahan natin ang isa't isa" sambit ko dito, pero wala pa rin silang tigil sa paglalakad ng mabilis na di ko alam kung patungong saan

Di nagtagal nakita na namin ang malaking gate at papalapit na kami dito, ngunit bago paman kami tuluyang makalapit may isang boses kaming narinig, dahilan para mapahinto kaming lahat "gusto niyo na bang mamatay" biglang sambit nang kung sino man

Lumapit samin sina kate at ash tsaka nilibot ang mga paningin para hanapin kung sino ang nagsalita...

"Sino ka?" Matapang na tanong ni jas dito "wala kana dun, kung sino ako" sagot naman nito, nakita naming bumaba ito mula sa punong sobrang taas, seryoso nakaya nang isang babae ang maka akyat nang ganyang puno?

DARK UNIVERSITY;(School Of Demons)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon