Ashley's POV
Yung feeling na nag aalala ka nang sobra sa kaibigan mo? Yung pinagdadasal mo na sana walang mangyaring masama sa kanya, pero para sa kanya balewala lang? Binabalewala lang yung nararamdaman namin para sa kanya
King*nang yan!
Pero ano pa nga ba ang magagawa namin diba? Kaibigan namin eh! Wala kaming magagawa kungdi tanggapin at intindihin sya lalo na sa mga panahon na kagaya nito!
Nandito kami ngayon sa dorm, nakikinig sa kwento ni Jas, simula nung magkahiwa-hiwalay kami hanggang sa nakilala nya ang Niel daw na yun, sa una daw akala nya papatayin sya pero sa huli tinulongan din naman sya daw nito
Habang kami nakikinig, pansin ko ang nakasimangot na mukha ni Ian, tsk pag-ibig nga naman haha, mapapa T.A.N.G.A ka nalang talaga kagaya ng kanta ni Yeng
When you smell something fishy, just smell it until it's gone mwehehehee
Naikwento rin ni Jas ang ginawang panloloko sa kanya ni Niel na sya palang tumulong samin, Ewan ko matatawag bang tulong yun sa ginawa nya, pero ibang klase ang ginawa namin para lang makawala sa upuang yun!
Flashback
Pagkalabas ng lalakeng nahuli sa classroom ay lihim akong napangiti dahil sa nakita, may iniwan itong patalim sa lamesa ng guro
Pero isang malaking tanong ngayon, ay kung paano namin iyon makukuha at mapapakawalan ang isa't isa! Gayong lahat kami ay nakatali
"What's the plan?" Tanong ni kate na ikina-irap ko, obvious ba? Malamang ang makawala sa pest*ng tali toh!
"Plan? To get that knife and kill those bastards!" Inis kong sambit na ikinailing nila, di nila ako masisisi! Sadyang mainit ulo ko ngayon "but how? Tsk" tanong ni Mark na nagpa isip din sakin, paano nga bah? "Think Mark! Just think tsk" saad ni Kate na sinamaan ni Mark ng tingin
Nag asaran pa talaga hah!
"Ian, what's the plan!" Saad ni Alex, napatingin kaming lahat kay Ian na kanina pa tahimik, malalim ang iniisip "I d-don't k-know! I can't t-think properly" sagot nito na nagpabagsak ng aming balikat sa kawalang pag-asa
Nag iwas kami ng titig sa kanya, parang leader na namin si Ian, sya yung tumatayong kuya namin sa lahat, kaya ganun nalang kami umasa sa kanya!
Pero kaasar naman Kasi bukod sa masakit na ang kamay ko sa tali na toh, bat kasi ang layo ng pinagtalian nila samin, nasa hulihan na kami nang parte ng classroom, na halos limang metro ang layo sa teacher's table na may nakatarak na patalim
Kainis! Tutulong na nga lang! Di pa nilubos! Ano ba yan! Dapat kasi binigay nalang o di kaya pinakawalan nalang yung isa samin para naman masaya! Psh
Habang tahimik kaming lahat at taimtim na nagiisip kung paano makakatakas dito ay nagulat na lamang kami nang may nagsipasukang mga estudyante sa loob, mga sampu sila ang kaso lahat sila mga babae na tila matataray
tss ano na naman kaya ang ginagawa ng mga clown na ito dito? At ano na naman ang kailangan nila samin? wala naman akong naaalala na inimbitahan sila dito? psh sorry for the word ah, pero totoo naman kasi ang kakapal ng mga make up nila parang mauubusan kaya mukang ini enjoy na nila
Maliban na lang sa babaeng nasa gitna, aaminin kong maganda siya, simple lang ang ayos nya, mataas, magaganda ang mga mata, may mahabang pilik mata, matangos na ilong, mapupulang labi, porselanang kutis at higit sa lahat ang katawang pamatay sa kalalakiha pero syempre mas maganda parin ako walang tatalo! Kahit ako lang may alam ^_^
BINABASA MO ANG
DARK UNIVERSITY;(School Of Demons)
Mystery / ThrillerBE CAREFUL ON YOUR ACTIONS BECAUSE ACTIONS MAY LEAD TO YOUR DEATH!!! halika pasukin mo ang paaralang magpapatindig na iyong balahibo! huwag kang magkakamaling tumahak nang landas kakayanin mo bang makipagsapalaran sa kamatayan? o hihinto ka na lama...