Agad na napabalikwas si Adriane ng makita na nasa isang hindi pamilyar na silid siya naroroon. Agad na binalot siya ng takot ng maalala ang nangyari kanina na may isang sasakyan na huminto sa harapan niya.
"Gising ka na pala,ang maganda ko dating sekretarya.."
Bigla siya nangilabot ng makilala ang ang boses iyun.
"M-Mr.S-sato?!" nanginginig niya anas.
"Anong kailangan mo? Bakit mo ko dinukot?!"galit niya sigaw rito ng matanto ang ginawa nito sa kanya.
Ngumisi ang matanda lalaki. Bigla ito tumanda,dumoble ang bigla nito pagtanda.
"Ano kaya sa palagay mo at dinala kita rito?" malisyoso nito tugon.
Puno ng galit na sinugod niya ito pero bumagsak siya sa sahig dahiL nakatali pala ang kanya mga kamay at paa.
Malademonyo tumawa ang dating amo.
Napaigik siya,napasama ang bagsak niya. Tumama ang tagiliran niya sa upuan.
Hindi siya nakaiwas ng lumapit ito at sabunutan siya sa buhok.
"DahiL sayo kung bakit bigla nawala ang lahat sakin! Lahat na pinaghirapan ko! Bigla iyun nawala dahiL sa inyo!!"nanggagalaiti nito asik sa mukha niya.
Pilit niya tinatagan ang sarili. Buo talim na tinitigan niya ito.
"Hindi ko alam ang sinasabi niyo..."
Sumama ang tingin nito sa kanya.
"Kung nangyari man sayo yan siguro kinakarma na kayo!" singhal niya rito.
Mamamatay siya na lumalaban rito.
"Huh! Matapang ka dahiL sa lalaki yun! Pinabagsak niya ang business ko at iyun ay dahiL sayo!"labas ang litid nito sa leeg na saad nito.
Napapangiwi siya sa higpit na pagkakasabunot nito sa buhok niya.
"Wala akong alam sa sinasabi niyo! Pakawalan niyo ko rito!"
Isang malakas na sampal ang iginawad nito sa kanya dahilan para masubsob siya sa malamig na kahoy na sahig. Agad na nalasahan niya ang lasang kalawang na dugo sa gilid ng bibig niya.
"Si Brikz Lucio..amo mo siya hindi ba? Imposible wala kang alam sa ginawa niya sakin!"
Marahas siya napaangat ng mukha.
"Yes,si Brikz Lucio nga ang amo mo ang tinutukoy ko.." tiim-bagang nito saad.
Dinaklot ng pagkabahala at takot ang katauhan niya ng malaman na involve ang binata sa inaakusa nito sa kanya.
Hindi niya alam na ginawa iyun ng binata!
Wala siya alam!
"Hindi bale,kung ginawa niya iyun malamang malaki ang pagkakagusto ng lalaki iyun sayo..kaya babawian ko siya ngayon.."
Agad na sinaklot siya ng takot ng makita na hinuhubad nito ang suot nito business coat.
Hindi! Hindi maaari!
Brikz...Brikz...Brikz!!
"Ito na ang pagkakataon ko para sa wakas matikman ang natikman niya mula sa maganda mo katawan..." mahalay nito saad.
Buo lakas na bumangon siya mula sa pagkakasubsob pero agad na nahuli nito ang paa niya at buong pwersa na hinila siya para mapahiga siya ng posisyon.
Umagos ang mga luha niya sa takot na bumalot sa buo niya pagkatao.
Pero bago pa man maisagawa ng matanda ang balak nito sa kanya.Gulat siya napasigaw sa biglaan pangyayari.
Nakita niya ang paghagis ng matanda lalaki sa isang sulok at wala ng malay ito na bumagsak.
Shock na napatingin siya sa gumawang iyun.
"B-Brikz..." nanghihina niya saad.
Puno ng poot at galit ang madilim na mga mata nito habang nakatitig sa kanya.
Tuluyan na siya nadrain sa dami ng pangyayari.
Bago siya tuluyan mawalan ng malay nakita niya ang pagguhit ng pag-aalala ..at takot sa gwapo nitong mukha.
Paano nito nagawa iyun? Napakalakas nito? Paano siya nito natunton ?
YOU ARE READING
Prince of Black Wolves Series 2 : BRIKZ LUCIO by CallMeAngge(INCOMPLETED)
Hombres Lobo#prince #blackwolf #romance #mate #dreame