CHAPTER 25: Ayanagi Showtime ♥

31 6 0
                                    



Chaki's POV

Saturday ngayon at nasa mansion ako. Sila kuya Travis at Miggie nasa party.
May party na naman kasi sa school at ang pasimuno ay si ate Vaness, kaya kahit ayaw ni Miggie kailangan niya pa ring pumunta.

At dahil nga Saturday night... Manonood ako ng "Starmyu: highschool star musical". Hahahaha!!!

Kahit binawalan ako ni Miggie... Hehehe!

--------------------------

Kinabukasan sa kwarto ni Miggie.

(@,@) ako yan, lutang kasi ang utak ko eh. Tinapos ko ba naman kagabi lahat ng episodes eh.

"Ayanagi Showtime... Team Otori..." Bulong ko sa sarili ko. Sorry, present ang katawan ngunit nasa ibang lugar naman ang utak ko.

"Ayanagi what? Ano iyon Chaki-chan?" Biglang tanong ni Miggie. At dahil soon, bumalik ako sa reality.

"Nakikinig ka ba sa akin? OK ka lang ba?" Dugtong pa ni Miggie.

"I'm fine, don't worry about me." Nakakaloka kong sabi.

"Well ito na nga, ano ang pwede nating gawin sa school na magugustuhan ng lahat?"

"Sabi ni ate, bahala na daw ako kung ano iyon." Dugtong pa niya. Well ano kaya?

(00.) I got it!!

"AYANAGI SHOWTIME kaya!!!!" Malakas na sigaw ko na siguradong abot Japan. De joke lang...

"Ano naman iyon?" Nagtatakang tanong ni Miggie.

"Isa iyon sa mga pinerform ng mga bida sa pinanood kong anime kagabi."

"Nanood ka pa ng anime kagabi?! Diba sabi ko matulog ka na! Kaya pala lutang ka eh." Sabi ni Miggie sa akin sabay lagay ng dalawang kamay niya sa bewang niya.

"Are you my mother?" Mataray kong sabi.

"Hindi! Ako ang fiance mo!" Say what now?! Anong pinagsasabi ng lalaking ito?! Fiance?! Siya?! Si Anthony Mitchell Henderson, magiging fiance ko?! Well di naman yata mangyayari iyon...Diba? Diba??

"De joke lang Chaki-chan." Nahihiyang sabi niya sa akin. Akala ko naman totoo iyon.
Para akong nabunutan ng tinik sa sinabi niya ah.

--------------------------

"Oh sige, gagawin na lang natin na singing and dancing competition. " sabi ni Miggie pagkatapos panoorin ang lahat ng episode ng Starmyu.

"Pwede nilang gayahin ang mga kanta't sayaw dito man sa Pilipinas o sa ibang bansa. Deal?" Dugtong pa niya.

"May kulang ka pa..." Malungkot kong sabi.

"O sige na nga, pati sa mga anime. Ano? Deal na ba?"

"Deal syempre!" Nakangiting sabi ko sabay lahad ng kamay ko na nagsasabing "shake hands tayo bilis".

Bewildered Heartbeat [COMPLETE] [Heartbeat Series](#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon