4 Chapters of Falling In Love part4 - You Meant To Fall In Love With Me

48 4 1
                                    

Tanghali ng bumalik si Stanley sa bahay. Pagkagising namin ng umaga ay nagpaalam syang uuwi para makakuha ng damit. Kinabukasan pa ang uwi nina Mama at Papa. Wala pa rin si Kuya kaya ako lang mag-isa sa bahay.

Nagdala sya ng ulam pagkabalik nya. Mabuti naman at hindi na kailangang magluto pa kami ng pananghalian.

"Luto ni Mama, kaldereta. Get well soon daw.", sabi nito ng maupo kami at naghain.

"Sige, itetext ko nalang si Tita mamaya."

Nagpumilit si Stanley na sya na ang maghuhugas ng plato dahil baka daw mabinat ako. Ako naman ay umakyat na para magbanyo at magsipilyo.

Napalundag ako ng maabutan ko si Stanley sa kama na prenteng nahiga habang hawak ang cellphone nya.

"Hoy, sumusobra ka na ah. Bakit ka pumapasok sa kwarto ko ng walang paalam?", tumayo ako sa gilid ng kama at nakapameywang. Tumingin sya saglit sa akin na parang wala lang ako sa harap nito at saka muling bumaling sa cellphone nya.

"Tsk. Wala namang thrill eh kaya ayos lang. Gusto ko pa naman sanang maabutan mo ko dito ng nakatapis ka lang ng tuwalya."

Nag-init na naman ah pisngi ko. Ano bang nakain nito at naging ganito kamanyak?

"Ang manyak mong lalaki ka ah.", umamba akong hahampasin sya ng unan kaya mabilis pa sa alas kwatro syang tatawa tawa na napalundag paiwas.

"Babe naman eh, di mabiro."

"Yung joke mo kasi, mahalay."

Lumapit sya sa study table at inilapag ang cellphone nya. Natigilan sya na para bang may hinahanap doon sa mesa.

"Teka, bakit walang tayong picture dito?"

Sumilip ako sa table. Walang makitang picture naming dalawa doon samantalang meron ako na kasama ang pamilya at mga kaibigan ko.

"Nakakapagtampo ka ah. Samatalang yung mesa ko puro pictures natin. Pati desktop wallpaper ko, pati wallpaper ko sa cellphone. Eh ikaw nga yung wallpaper mo sa cellphone ay yung di kilalang koreano na mas gwapo pa ako."

Hindi ko mapigilang mapangiti. Natatawa ako sa tono ng nagtatampong boses nya. Lumapit ako at niyakap sya habang nakatalikod. Natutuwa ako sa itsura nya, ang asim asim ng mukha.

Tumawa ko at tumabi sa kanya. Binuksan ko doon ang cover ng isang photo album. Para iyong calendar na photo album pero may frame. Kapag piniflip ang mga pages ay makikita ang iba ibang pictures namin ni Stanley doon.

"Ayan ah, nagtatampo ka pa ba? Tinakpan ko yata to kahapon nung nalaman kong di ka na virgin."

"Tsk, oh sige na. Di na ako magtatampo basta balik ka sa likod.", sabi nito.

"Huh?"

"Balik ka sa likod. Ibackhug mo ulit ako, kinikilig ako dun eh.".

Tumawa kaming dalawa habang niyayakap ko sya mula sa likuran.

Bigla akong may naalala kaya dali dali akong lumapit sa drawer ng mesa.

"Nasan na ba yun?", bulong ko habang hinahanap ang bagay na iyon.

"Anong hinahanap mo?"

Agad ko iyong hinila ng makita ko rin sa wakas.

"Ano ba yan?"

Mabilis akong pumihit paharap para ipakita kay Stanley ang hawak ko.

"Oh, ano yang sulat na..", natigilan si Stanley. Mukhang nakuha na nya kung ano ang bagay na iyon.

Mabilis nya iyon inagaw sa akin at inilayo.

"Akala ko ba tinapon mo na?", halata sa boses na naiirita ito sa bagay na hawak nya.

Series of One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon