Ⓣ①: Ⓣⓗⓔ Ⓑⓔⓖⓘⓝⓝⓘⓝⓖ

21 1 0
                                    

|ʏᴠᴏɴɴᴇ's ᴘ.ᴏ.ᴠ|

"Good! As expected of you Yvonne! Napaka-galing mo talagang anak! I wish mag-karoon ako ng anak na kagaya mo. My daughter is always on parties with her friends. Kaylan pa kaya titino ang anak ko?"- ani ni Mrs. Tan sabay napa-buntong hininga.

Ngumiti na lang ako sa kanya.

'Again.'

"Osya, I have to go. May meeting pa kasi ako mamaya."- dugtong niya at tsaka nakipag-beso sakin.  "Thank you for coming here, I hope to see you again Mrs. Tan."- I said while smiling. I waited for her to exit the door and the smile on my face vanished. I bit my lip. Lagi na lang ganito. Hindi ko alam kung bakit nila ikinu-kumpara ang anak nila sakin, ginagawa ko lang naman ang mga bagay na 'to dahil ito ang responsibilidad ko.

Money. Intelligence. Body. Beauty.

Hindi ko naman ninais ang mga ito. Ang gusto ko lang naman ay mamuhay ng normal. Kelan pa kaya ako makakalaya sa mundong 'to? It's all because of these na wala akong matawag na kaibigan. Kung kilala niyo siguro ako masasabi niyo din siguro na isa akong perpektong tao, Na lahat ng bagay ay nasa akin na.

Nagkakamali kayo. Hindi ako perpekto. Hindi lahat ng bagay nasa akin. Tao din ako. May pagkakamali din at mayroong mga bagay na wala ako. I'm Yvonne Renderwick, the president of my school. Sa totoo lang, napaka-bigat ng responsibilidad ng isang presidente, lalo na sa paaralan namin na 'to.

Hindi ko naman ginusto ang maging president. Napilitan lang ako ng dahil sa napaka taas na expectation ng magulang ko. Pathetic isn't it? Hindi ko man lang magawang tumanggi dahil sa takot na ma-didisappoint ang parents ko. 

Napa-iling na lang ako at napa-pikit habang hawak-hawak ang mga papel na dapat kong permahan. Ramdam ko na ang bigat ng katawan ko lalo na ng mga mata ko kaya naman ay itinabi ko na muna 'yung mga files at hinilot ang mga balikat ko.

'I'm..lonely.'- huling sambit ko sa isip ko bago pa man ako pumikit at tuluyang maka-tulog.

------~~~~~~~~~~------

"KYAAAAHHH!!"- sigaw 'nung babaeng naka-suot ng kulay pula na may halong itim na gown. 

Who is she? a princess? A noble?

I was mesmerised by her beauty and her gown. Red and black roses, and a ribbon on the right waist side. Ini-enjoy ko pa sana yung suot niya pero bigla akong napa-balik sa realidad nung marinig ko ang boses ng isang lalaki.

"Young lady!"-napalingon ako sa lalaking mabilis na tumatakbo papunta sa babaeng sumigaw. Bakit kaya siya sumigaw bigla? Napakunot ang noo ko. Hindi naman siya nadulas? Hindi naman siya nasaktan? Habang panay ang tanong ko sa isip ko, Nakita ko na nagtago yung babae sa sulok. What is she trying to d---

"BOOO!"- gulat niya at kitang-kita sa mukha nung lalaki na nabigla siya sa ginawa niya. Malakas na tumawa yung babaeng naka-gown na mukhang prinsesa. That guy--

He looks like a butler.

A very good looking one.

"Young Miss!"-galit na sabi nito at sinubukang lapitan ang babae pero tumakbo ito agad.

"Blehh! Ang boring mo talaga Luke!"-natatawang ani niya at tuluyan na siyang tumakbo habang hawak hawak yung gown niya. Napatingin ako sa lalaki, Nakita ko siyang napabuntong hininga at napa-iling bago sundan yung babaeng naka-gown.

------~~~~~~~~~~------

*knock knock*

Na-alimpungatan ako sa ingay ng katok sa pintuan. 

Naka-idlip pala ako. 

That dream..

Ano kayang meaning nun? Argh! Nevermind.

Napa-tingin ako sa mga papel na nasa harapan ko. Kaylangan ko pa palang tapusin lahat ng 'to. I don't have any time to think about useless things such as that dream.

"Come in."- sabi ko habang inaayos ang sarili ko.

*door opens*

"U-uhm."-napa-angat ang tingin ko sa harapan.

A student (?)

"Yes? What can I help you with?"-tanong ko at tsaka iginilid sa tabi yung mga papers na tinitignan ko bago ako maka-idlip kanina.

"A-ah-- i-itatanong k-ko lang po kung p-pwedeng ayusin ko po muna yung papers na due ngayon. "- Kinakabahan na ani nito na iki-nagulat ko. Why is she so nervous? Hindi ko naman siya minamadali sa due niya ngayon? Or maybe nakakatakot yung mukha ko? Wait-- Argh! Heto na naman ako sa pag-ooverthinking eh.

"Sure. Just let me know if you need anything else. Okay?"-I said while smiling. "T-thank you."-ani niya at tsaka pumunta sa couch para ayusin yung file na ibibigay niya.

Napa-upo ako ulit napa-pikit.

'I really hope that -- I can escape this reality.'

------~~~~~~~~~~------

"Mi..ss...Y..ss."

May tumatawag ba sakin? 

Nakatulog na naman ba ako? 

Dahan-dahan akong napadilat at bumungad sa akin ang pink na ceiling.

huh? pink? kelan pa naging pink yung ceiling ng president's room ko?

"Young miss."

Young miss?

Me?

Napa-lingon ako sa kaliwang banda ng hinihigaan ko. There, I saw a tall, good-looking man who is wearing a black suit and a white tie. He looks really familiar, I feel like I saw him somewh---

Wait . . . .

He's that guy from that dream!

Panaginip na naman ba 'to?

"Young miss? May nangyari ba?"-nag-aalalang tanong 'nung lalaki na nakita ko sa panaginip ko.

"S-sino ka? N-nasaan ako?"-tanong ko at mahigpit na hinawakan ang kumot na hawak ko.

"Pardon? Young miss-- are you joking again?"- seryosong tanong niya sakin.

"Joking? N-no. Why would I--"- hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng may narealize ako. Parang totoo ang lahat. The blanket that's covering me felt so real. Sinubukan kong pisilin ang sarili ko.

Wha...!?!

It hurts!

It feels real!!

Don't tell me--- nalipat ako sa mundong to?!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Secret Truth (ON-GOING/ TAGLISH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon