Gumising ako ng maaga para makapag asikaso na sa pagpasok. Nandito ako ngayon sa loob ng dorm at gaya nga ng sabi ko nag aasikaso ako since nakuha ko naman na ang schedule ko at level ko then sa ranking ko dito sa Academy.
Level 1 Bronze Human
Iyan ang nakalagay sa akin atsaka ayos na yung schedule naming maghapon para malibang ako sa pagkawala ni Nanay.
Tiningnan ko yung nakasabit na orasan sa pader at nakita kong 4:30 AM kaya nagdecide na akong umakyat muna sa floor kung saan alam kong gising pa ang mga bampirang iyon pero alam kong tulog din ang mangkukulam at asong lobo na nandoon sa floor na iyon kaya guguluhin ko yung mga bampira doon para may kasama akong mag ikot.
Kahapon nakalimutan kong isuot ang bracelet ko kaya binigyan ako ni Iris ng potion na pwedeng maitago kung anong uri ako at hindi ako mga katulad nila kaya tinanggap ko na din dahil sa isang patak nito tatagal ito ng 168 hours (7days) kaya wala na akong problema at doon ako nagpapasalamat.
Nagbihis ako ng pambahay at nagsuot lang tsinelas atsaka ako pumanhik sa taas.
"What are you doing here?" anang ng baritonong boses.
"AnakkaniBarney!"bulalas ko.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat ko. Tsk! Alam ko na ang laging mangyayari sa akin pag lagi akong mag isa.
"Ano ka ba naman! Bakit ka ba nang gugulat ka!?" hingal kong sabi
"Anong ginagawa mo dito?" pag uulit nya.
Ang lamig at blangko ng ekspresyon nya kaya kinilabutan ako."Pwede ba wag kang tumingin ng ganyan sa kain kinikilabutan ako sa iyo e!" saway ko.
"Atsaka nandito ako para kay Nicole at Belladonna." dagdag ko para masagot ang tanong nya.
"Ano na naman ang pakay mo?" sabi nya.
"Pakay ko? Silang dalawa dahil gusto kong magpasama sa labas at ikutin ang buong campus kahit na madilim dahil masarap ang simoy ng hangin sa umaga." paliwanag ko
'Bella! Nandito ako sa labas' subok ko baka sakaling makausap ko sya.
'Nakakausap mo ako gamit ang Mind Link?' tanong nya.
'Di ko alam atsaka labas kayo ni Nicole dito kung saan ako nakatayo' kausap ko.
Hindi na ito sumahot bagkus bigla silang sumulpot sa harap namin. "Ano? Tara na?"gayak ni Nicole. "Oo naman" sagot namin ni Belladonna.
"I come with you."sabi nya sa amin. "Don't.."pigil ni Nicole. Nagteleport agad kami palabas at nakita ko na lang na nasa harap na kami ng dormitory.
Nakaramdam ako ng lamig galing sa hangin kaya ninamnam ko ito. "Gusto mo bang i tour ka namin kahit madilim?"tanong ni Belladonna.
"Oo naman atsaka kayo kasi nakakakita sa dilim ako naman gagamit ako ng flashlight" sabi ko.
"Nope. We don't want to use our power kaya gagamit din kami ng flash light."sabi ni Nicole
Tumango lang ako at nagsimula na kaming maglakad patungo sa unang pupuntahan namin.Nakarating kami sa isa sa mga buildings na nakatayo.
"Ito ang east wing nandito ang lahat ng classroom at ang apat na building dito sa east wing for the level 1-5." sabi nya.
Nandito din sa building na ito ang Science Lab, Computer Lab, Kitchen.Pagkatapos ay naglakad kami pa norte. Hindi ko akalaing ganito pala kalaki ang Campus na ito.
"You have to get to use this places dahil dito ka hanggang sa makarating ka ng level 10 at sa human world naman ay tinatawag itong graduating." paliwanag ni Nicole
YOU ARE READING
RED BLOOD ACADEMY: The Lost Heiress (REVAMPED)
VampireKharis are living a simple life in the human world until the Patridge's die who took care of her. Kharis' foster parent leave a letter with the invitation of her new school. Who is Kharis? What is her actual identity?