CHAPTER THIRTEEN

3.2K 88 0
                                    

Nagising ako ng madilim na at mahimbing na natutulog si Ate Allyana sa tabi ko kaya nauna na akong bumangon at lumabas na ng kwarto nya.

Pagkalabas ko ng kwarto ay dumiretso na ako pababa. Habang pababa ako ng hagdan ay nakaramdam ako na naihi na ako tumakbo agad ako pababa ng sala.

Nakasalubong ko si Kuya Raffy na paakyat na dito habang ang mukha ko ay nakangiwi na ang mukha.

"O anong nangyari sa iyo?"tanong ni Kuya

"Ahm..Naiihi ako kuya." mahina kong sabi. Tumawa lang ito at tinapik tapik ako. "Goodluck."

Hinanap ko ang buong banyo sa baba. Nasan na ba iyon? Bakit hindi ko makita?

Nagpasalamat naman ako at nahanap ko sa kusina ang banyo dahil puputok na talaga ang pantog ko sa sobrang ihi.

Pagpasok ko ay hinubad ko ang short ko at umupo sa bowl. "Hay. Thank you!" nakaihi din ako.

Paglabas ko ng banyo naabutan ko si Tito Anton at Tita Liza na syang nagkupkop sa akin. 

"Magandang araw po." magalang kong bati.

Lumingon naman sila sa akin. "Oh, nandito ka pala e kanina ka pa hinahanap ni Alyana."

"Po? E kabababa ko pa lang po e." 

Umiling naman sila. Naglakad na ako papuntang garden para magpahangin. 

Tiningnan ko ang pulsuhan ko. Di ko alam saan galing yung tattoo ko—mukhang inukit pero walang buhay ito kung tititigan mo ng maigi.

Noong araw na nagising ako ay para akong pinanawan ng lakas dahil niisa wala talaga akong maalala—pinipilit ko man pero sumasakit lang ulo ko. 

Nakatingin lang ako sa kawalan at pinakikiramdaman ang paligid ko dahil minsan ramdam kong may nanonood sa akin.

Bumuntong hininga na lang ako at akmang tatayo na ng marinig ko ang mga tsismisan ng mga katulong.

'Feeling senyorita dito, akala mo naman kung sinong anak di naman anak nila Senyora.'

'Baka gusto din na maging parte ng pamilya nila.'

'Mukhang pera naman e. Sa itsura para lang.'

Hindi ko na sila pinansin. Ewan ko siguro sa araw-araw ko na nandito ay sila na ang nabubungaran ko. 

Wala din naman akong magagawa sa ganyang kakitid na utak ng mga tao. "Selena.." tawag sa akin ng baritonong boses.

Lumingon ako at nakita kong si Kuya Raffy iyon. "Ano yun Kuya?" tanong ko.

Umupo ito sa tabi ko at ginulo ang buhok ko. "Hindi mo manlang sinasabi sa akin na binubully ka pala ng mga katulong dito." 

Bumuntong hininga na lang ako. "Wala din akong mapapala sa makikitid nilang mga utak. Basta ang alam ko tahimik lang ako at wala ni isa sa kanilang inaagrabyado." sagot ko.

"Atleast sana sabihin mo for us to be aware with your situation when it comes to the maids." 

Umiling lang ako. "Hindi na kailangan. Mas iniisip ko pa kung paano babalik ang ala-ala ko kesa isipin sila na wala namang dulot sa akin." 

He just shrugged and shook his head. "Do you want to come with me?" he asked me. Napalingon naman ako dito.

"Saan mo ako dadalhin?"

"I have a business—"

"Oh god! Please, stop pestering me with your business deal. You're always leaving me like a kid." pagrereklamo ko.

RED BLOOD ACADEMY: The Lost Heiress (REVAMPED)Where stories live. Discover now