First Encounter

440 70 22
                                    

First Encounter. chapter#1

Ako si Maikka Lubi Nakatira sa Malvar isa sa pook ng Batangas. Nag aaral sa isa sa mataas na pribadong paaralan ng Malvar. Hindi kami mayaman, sakto lang para makakain kami ng tatlo hanggang limang beses sa isang araw.

My dalawa pa akong kapatid, ang isa ay kasalukayang elementarya at ang isa naman ay sanggol pa. Isang manager nuon ang aking ina sa isang brand ng damit kaya lang ay panandalian itong huminto dahil narin sa aking nakababatang kapatid na my espisyal na kapansanan. Ang aking ama naman ay isang pribadong dryber ng isang pamilya mayaman.

Masaya kami pamilya, matiwasay na nagmamahalan.

"maikka, maikka" tawag sa akin ng aking kamag aral. Nilingon ko ito, nakita ko si Justine ang isa sa brat dito sa aming paaralan. Nagmamadaling lumakad papalapit sa kinaroroonan ko. Nasa hall kami ngayon sa likod ng tanghalan namin.

"Bakit?" tanong ko rito. Mabait naman ito wag lang iimpluwensyahan ng kanyang grupo lalu na ang leader ng kanilang grupo na si John Jasper "johper" Ford. Si Johper ay ang pinaka ayaw ko sa lahat dahil na sa kanya na ang lahat. Mayaman, mayabang, chicboy at playboy. Ewan ko ba kung bakit ang dami parin ang na babaliw sa kumag na iyon? Pero ako never!

"sayo yata ito." tanong sakin nito at my kinuha sa bag nito. Tumingin na lamang ako sa ibang view kaysa sa tumingin rito dahil masyado malisyoso ang mga kamag aral ko. Dati nga ay chinismis, sinugod at inaway nila ( ang fans ng the four boys) ako dahil nakipag usap ako kay Johper. Ayaw ko na ulit maulit yon kaya kung maaari hindi ako nakikipag usap sa The Four Boys. "eto ohh" salita bigla ni Justine, tumingin ako sa kanya at unti unting ibinaba ang tingin sa hawak nito.

"Ay! salamat!" tugon ko at inabot ang panyo hawak nya. "Nahulog mu yata sa labas ng cr" kwento nito at napakamot na lamang ang kanyang kanang kamay sakanyang likod na ulo. Kilalang hot but torpe ang isang to, kaya NGSB pa ito, or better say never been kiss, never been touch. "salamat ha? sige una na ako!" paalam ko rito at hinawakan siya sa braso bilang pagpapaalam. Ngunit laking gulat ko na parang nagulat ito sa ginawa ko. Kaya't humingi ako ng pasensya nawala kasi sa isip kong never been kiss, never been touch ito.

~*~

Andito na ako ngayon sa bahay, naglalaro ng candy crush sa laptop ko. Bigla tumabi sakin ang pangalawang kapatid ko na si Carla Joyce "CJ" Lubi. Tumingin lang ako saglit rito at ibinalik na muli ang tingin sa aking nilalaro.

Makalipas ng ilang minuto bigla nagsalita si CJ "ate ang gwapo ni kuya johper noh? tignan mo" halos masuka suka ako sa sinabi ng aking kapatid, kilala ang the four boys hindi lang sa eskwelahan namin kundi sa buong batangas. Sinulyapan ko ang ipanapakita nyang video, laman iyon ng isang kantang hindi ko maintindihan. Hindi ko matake duh? Napataas ang kilay ko, "si mr. John Jasper Ford, gwapo? No way!" sagot ko rito. Nagulat ako sa naging reaksyon ng aking kapatid "huwat ate? hindi ka na gwagwapuhan kay kuya? He's so talented kaya" sabi nito *pout* at na ngulumbaba "crush ko kaya sya"."ANO?" napasigaw ako rito, at mukhang narinig yata ni mama ang sigaw ko kaya't dali dali ito pumasok sa sala. "anong nangyayari?" tanong nito, may hawak pang sandok na halatang nagluluto na ng panghapunan. Tumingin muna ako sa aking kapatid na naka nguso parin >.> at tumayo "tanungin mo yang anak mo, tssk!" sagot ko at pumunta ng kusina.

derederetso ako pumunta sa kusina, tuloy sa ref at kumuha ng inumin. Nakakainis kasi, bakit ba pati kapatid ko naiimpluwensyahan ng Johper na iyon? Derederetso ko lang ininom ang tubig na kinuha ko mula sa ref. Bigla pumasok si mama sa kusina. "anong masama dun anak? di naman natin maitatanggi na my itsura talaga ang binatang iyon. At isa pa talented naman" naibuga ko talaga ang tubig na iniinom ko sa sobrang di ko matanggap. "mahhh, yuck!" sabi ko at nagwalk out ulit nako nandidiri ako sa mga pinagsasabi ng mga to' !

143 = Ihateyou (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon