WAR, chapter 7
Johper's POV
Andito ako ngayon sa tapat ng bahay ni Maikka. I'm waiting for her. Gusto ko makausap sya, gusto ko malinawan ang tungkol sa amin. Gusto ko ipaalam ang totoong estado ng relasyon namin.
Aba, boyfriend parin nya ako kahit na exclusive for one week lang yun dapat ay alam ko kung saan sya nagpupunta. Lalo na dis oras na ng gabi na ngayon at nasa galaan pa ang babaeng iyon. Aba'y may puso rin naman ako nag aalala para sa GIRLFRIEND in ONEWEEK.
Alam nila tito at tita Lubi na andito ako sa tapat ng bahay nila nag aantay kay Maikka. Hindi na ako nag abala pang pumasok sa loob upang hindi na sila maistorbo. Nakakahiya na rin gabi na para pumasok pa sa bahay ng isang babae, mas mabuti ng dito ako mag antay sa labas ng bahay nila.
Time check: 7:36PM
Nakasandal lang ako sa kotse ko, nakasalpak sa magkabilang tenga ang earphone. Nakakasenti rin pala pag ganito, yung mag isa ka, tapos bukod tanging kanta lang ang naririnig mo, at yung malamig na simoy ng hangin ang humahampas sa iyong mga balat. Siguro nga ngayon ko lang naranasan makapagsenti sa buong buhay ko, pano ba naman kasi anjan lagi ang grupo. Ewan ko nga ba asan yung tatlong yun ngayon?
Makalipas ng mahabang minuto naramdaman kong my nag tap sa aking likuran. Tumingin ako sa aking tabi at nakita ko "tito." tinanggal ko agad ang nakasalpak sa aking tenga.
"iho, gabi na baka hinahanap ka na sa inyo." tito Alfred
"tito ok lang yan, alam mo naman sa bahay ehh" ako
"oh e.di tumuloy ka na muna sa loob! Aba, baka anong mangyari dito sayo, manigas ka" natawa na lamang ako sa biro ni tito at tumanggi parin ako.
wala ng nagawa si tito kundi hayaan ako. Kilala na din naman ako ni tito na matigas ang ulo.
Time check: 8:37PM
Nakatatlong tasa na ako ng kapeng itinimpla sa akin ni tito Alfred, wala parin ang babaeng yon!
Aba'y sumusobra na yata tong babaeng to!
Anong oras na?
wala ba sya planong umuwi?
o
mag text man lang?
Aba mukhang nakalimutan nya yatang kasintahan parin nya ako!
Di na ko mapakali kaya't
Tinext ko na sya
.
.
.
To: Akkiam
Babe, where are you now?
*message sent*
makalipas ng isang minuto wala parin syang reply kaya't tinext ko ulit sya.
text ulit
.
.
.
.
text uli
.
.
.
.
text pa ulit
.
.
.
.
.
text pa muli
.

BINABASA MO ANG
143 = Ihateyou (ONGOING)
Teen FictionFor kathniel fans Basahin nyo na lang xD meron ding Jabea fans b jn? tama ba? xD