GETTING TO KNOW EACH OTHER, chapter#6
Lumapit agad ito sa akin kahit na may iilan pang baitang ang natitirang hindi ko pa natatapakan. Nakangiti lang ito sa akin. Inabot din nito ang isang basket ng prutas.
"ano ginagawa mo rito?" bukod tanging lumabas sa aking bibig.
"e.d sinusundo ka... may dinaanan kasi ako jan sa kabilang kanto eh, hmmm naisipan kong daanan kana." pagpapaliwanag nito. Ang cute talaga nya.
Ngumiti ako dito "ehh... kasi... Justine, hindi pa ako nakakaligo, baka mag antay ka ng..." "ok lang anu kaba? maaga pa naman" pagputol nito sa sinasabi ko.
"hmmm sige, sige wait lang huh. sandali lang ako" tumakbo na agad ako, nakakahiya kasi eh.
"take youre time" pahabol ni Justine. Take my time? achuchu feeling ba nya matake ko time ko kung alam kong my nag aantay sa akin na gwapo :">
Habang nagshoshower ako, buti na lang wala si dade sabi ko sa sarili ko.
~*~
"bakit mo pa kasi naisipang dumaan sa bahay?" nakatanaw lang ako sa binata ng kotse nito, habang sya nagddrive katulad ng kay Johper meron din syang student liscence.
"hmmm bawal ba?" napatingin ako rito
"hindi naman sa ganun, buti nga wala si dade kundi patay ako."
"bakit? stric ba?" ang gwapo talaga nya, namumula mula pa ang mukha nito? wait, kinikilig ba sya? "dont worry kahit my pagka torpe ako, haharapin ko parin sya." hindi ako makapaniwala na si Justine mag sasalita ng ganun? ako tuloy ngayon ang di maitago ang pamumula"JOKE HAHAHAHA" joke? joke lang yon? wow, tss. Shit naman, maniniwala na nga ako eh. "hahaha" kunwari natawa ako tss nakakainis ehh. Nakakabadvibes ang aga aga.
"hindi mo ba alam, some joke are half meant?" nagulat ako sa sinabi nya, mas lalong nagulahan ang isip ko. Ano ba talaga? ang gulo mo eh.
~*~
Di nagtagal nakarating narin kami sa University, paano ba naman kasi malapit lang sa amin to tapos nagkotse pa e.di mas lalong lumapit.
Nakasakay pa kami pero kita na namin ang kapal ng taong nakapaligid sa kotse ni Justine.
"dont worry, ako bahala" hindi ako nagulat, hindi ako mamula, hindi ako kinilig sa sinabi nya. Kundi sa pag hawak nito sa dalawang kamay kong nakapatong sa aking hita.
Di nagtagal bumaba na ito sa kanyang kotse. Lumakas ang tibok ng puso ko, hindi dahil sa pinaramdam kanina ni Justine kundi dahil sa mga aking kamag aral na kulang na lang ay dukutin ako rito sa loob ng kotse.
paano na lang kung pagbumaba ako rito eh, sabunutan nila ako, sampalin, buhusan ng tubig or worst ipatapon sa bangin o kaya mas worst ipatapon sa ilog pasig, wag please sa bangin na lang po. Ayaw ko pa mamatay, marami pa ako pangarap. Gusto ko pa magpakasal, gusto ko pa magkaanak, bata pa ako. =_= God help me...
*knock^knock* "AYY, TIPAKLONG KA!" nagulat ako, may kumatok lang pala. Nakita kong si Justine pala ang nasa labas ng kotse.
Hinga malalim...
.
Hinga malalim...
.
Ang baho na ng kotse ni Justine =.=
Makababa na nga. Mas lumakas ang tibok ng puso ko nung time na bumaba na ako ng kotse. Yung mga tingin ng mga babaeng fans ni Justine sobrang nakakatakot, kulang na lang ay patayin nila ako. Tahimik lang sila pero iba ang pakiramdam ko.
BINABASA MO ANG
143 = Ihateyou (ONGOING)
Novela JuvenilFor kathniel fans Basahin nyo na lang xD meron ding Jabea fans b jn? tama ba? xD
