CHAPTER 01

6.5K 145 4
                                    


PUTING DAMIT NA may kalakihan at maong na pantalon na punit sa bandang tuhod, buhok na basta na lamang na pinusod at pinatungan ng sumbrero ang suot ni Stephanie habang nakatambay sa tabi ng isawan kasama ang dalawang lalaki at pinagmamasdan ang bawat taong dumadaan.

"Sigurado kaba Steve na dito dadaan ang suspect natin?" Tanong sa kanya ni Edward.

Nilunok muna niya ang kinakaing isaw saka ito binalingan. "Wag mong sabihin na natatakot ka?" Sigang tanong niya dito saka ipinatong ang paa sa upuan katabi ng nag-iisaw.

"Oo nga naman Ed?" Tinignan ito ng masama ni Mark ang kakambal nito. "Sabagay sa taba mo nayan, kapag nagkahabulan mamaya ikaw ang mahuhuli at ikaw ang mabubugbug." Pang-aasar pa dito ni Mark.

"Tama nayan." Tumayo siya ng tuwid at ininom ang palamig na nakalagay sa plastic na baso at saka ito itinapon sa basurahan ng maubos niya ang laman, at hinarap ang dalawa. "Yung lalaking nakapula ang hoholdapin natin." Mahina ngunit mariing sabi niya sa dalawa.

Lumingon ang dalawa sa paligid at ng makita nang mga ito ang tinutukoy niya ay sabay ang mga itong ngumiti.

"Mukang mayaman Steve." Masayang sabi ni Mark.

"May ipambibili din ng pagkain." Sabi naman ni Ed habang hinihimas nito ang tiyan nito.

Hinintay muna nila itong lumagpas sa kanila at makalayo ng konte bago sila nagsikilos at pasimpleng sinundan ito. Ilang minuto pa ang hinintay nila hanggang sa makarating sila sa lugar kung saan kunti lang ang mga taong dumadaan kaya kinuha na niya ang tiyempo na iyon para ilabas ang balisong na nakaipit lang sa likod ng pantalon niya saka niya binilisan ang lakad hanggang sa makalapit siya sa likod nito, habang ang dalawa niyang kasama ay pumuwesto sa magkabilang gilid nito.

Sinubukan niya itong akbayan pero dahil sa tangkad nito at hanggang balikat lang siya ay hinawakan nalang niya ang likod nito saka idinikit ang balisong sa tagiliran nito. "Wag kang kikilos holdap ito." Sabi niya na may kalakasan para marinig siya nito.

Sandali itong natigilan saka bumuntong hininga at mahinang nagmura. "Shit. Bakit ba ang malas ko ngayong araw na ito?" Mahinang sabi ng lalaki na narinig naman niya. Ngunit walang bakas ng takot sa boses nito.

"Pasyenya na pre trabaho lang." Sabi niya dito. "Amina pera mo hindi ka naman namin sasaktan, basta ibigay mo sa amin ang pera mo."

Kumamot ito sa ulo nito saka tumingin sa kanya at alanganing ngumiti. "Pasinya na miss pero na holdap din ako kanina kaya wala akong mabibigay sa inyo."

"Ano?" Sabay-sabay sigaw na tatlo.

Napabitaw siya sa lalaki at umatras palayo dito. "Pera na naging bato pa." Laglag ang balikat na sabi niya.

"Nagsisinungaling lang to." Kinuwelyuhan ni Mark ang lalaki na ikinataas naman nito ng kamay na para bang sumusuko sa pulis. "Wag mo kaming lokohin. Amina rilo mo, cellphone mo dali bago pakita saktan."

"Nako boss kahit kapkapan ninyo pa ako wala talagang natira sa akin kahit ano."

Ibinalik niya ang balisong sa likod ng pantalon niya at inawat si Mark. "Tama nayan. Mukang nagsasabi naman yan ng totoo."

Binitiwan naman ni Mark ang lalaki. Hinarap niya ang lalaki at wala siyang nakitang kahit anong bakas ng takot sa muka nito at para bang natutuwa pa ito sa kanila.

"Steve nagugutom na ako." Sabi ni Edward kasunod ng tunog ng tiyan nito.

"Lagi ka namang gutom." Sabi ni Mark dito saka ito inakbayan. "Sige na pre alis na wala naman pala kaming mapapala sayo." May inis na sabi ni Mark.

Vigilantes Series02 "Clark David Scott" (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon