Chapter 1: ♥ First Encounter.

1.8K 17 3
                                    

Rey's POV.

''Rey, sali tayo mamaya sa tournament ng Dota. 3 on 3 daw.'' pag aaya sakin ni Kenj.

''Sige pre, sinong mga kalaban?''

''Yung mga Dota player sa kabilang school. Balita ko magagaling daw sila e.''

''Sus, wala yan. Kumpara sa galing ko. Tss.''

''Ayan na naman. Ang hangin oh! Nililipad na ako.'' pang aasar nya.

''Haha, nagtaka ka pa.''

''After class ang laban! 10k yata ang premyo e. Mwehehe, dagdag pangkain.'' dagdag pa nya.

''Sus, may restaurant na nga dyan sila Lex. Libre pa. Haha.''

''Oy oy, bat narinig ko pangalan ko dyan?'' sabat ni Lex.

Ano ba 'to. Bigla nalang susulpot. Parang kabute. (—.)

''Wala, may tournament mamaya after class. Sali tayo.'' sagot ni Kenj.

''Sige ba, lagi naman tayong ready sa ganyan e. Tsaka sure win na.'' Lex.

Aba, isa parin 'tong mahangin. Mana sakin. *wink*

''Magsama kayo ni Rey, parehas mahangin. Ilan bang electric fan at aircon ang nilagay nyo sa katawan nyo, ha?!''

''Totoo naman. Diba Lex?''

''Oo nga.'' sagot nya.

Tapos naghigh five kami. Haha.

Andito kami sa school. First day e. Kafirst day first day, dota agad ang topic. Haha. Sadya.

Ako nga pala si Raven Smith. Mayaman, maputi, matangkad, at syempre gwapo. Pure Filipino. Kami ang may-ari ng Smith Airlines sa buong Universe. Haha. Ako ang dakilang hassler sa larong DOTA. May grupo kami, ang Great Gifted Guys o mas kilala bilang 3G, we're all 3rd year highschool, kami ang pinakamagagaling na Dota Player dito sa University namin. Pakilala ko sila. :)

Kenji Lee (Kenj): Mayaman din, matangkad, moreno, gwapo. Half Korean, half Filipino. Sila may-ari nitong school na 'to. Ang Warcraft Academy. :D Marami pa silang school sa buong Philippines. Siya din ang kilalang Cassanova ng 3G. Madami yang chix. Kaliwa't kanan meron. Pinapabayaan nalang namin. Atleast hindi Bed Cassanova, hanggang kiss lang. Bubugbugin namin ni Lex yan pag nambastos ng babae e. Nabroken hearted na kasi yan, dalwang beses na kaya gustong gumanti sa mga girls. Di nirerespeto, psh. Di gumaya sakin. Haha.

Lexter Chua (Lex): Mayaman, maputi, singkit, gwapo. Half Chinese, half Filipino. Ang pinakamakulit at mapambara sa grupo. May ari ng Chinese restaurants dito sa Philippines at China. Gusto ng family nilang dito magtayo sa Philippines ng Chinese restaurants dahil narin dito ang bansa ng daddy nya. Katabi lang nitong school ang isa sa mga restaurant nila, kaya madalas dun ang tambayan namin. May 123 branches ang restaurants nila dito at sa China.

Bukod sa pagiging pinakamagaling sa Dota dito sa University, may banda din kami. Ang 3G Band, the most popular band in this school. Syempre, puro gwapo e. Haha. Kahit tatlo lang kami. Go parin. Haha.

Ako ang Guitarist, si Kenj ang Vocalist at si Lex ang Drummer. O diba? San ka pa? Haha. ^O^

Simula bata pa kami, magbabarkada na kami, dahil sa paggiging bussiness partners ng family namin. :)

''Pare balita ko may mga transferees daw. Puro chixx. Dito pa sa section natin. Haha.'' pagsisimula ni Lex.

''Talaga? Yess, swerte.'' sagot ni Kenj.

May spark sa mga mata ni Kenj e. Tss.

''Kayo talaga! Respect them.''

''Anong respect? Nirespect ba nila ako?! Psh.'' sagot ni Kenj.

Falling Inlove With A Dota PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon