Chapter 16: ♥ His Company (Part 2)

280 6 0
                                    

**

Nagdadrive parin si Joshen at magkahawak parin kamay namin, alam nyo yung awkward? Yung moment na 'to yun e!

Napatitig nalang ako sa gwapo nyang mukha. Ang kinis, no spot of pimples. Matangos ang ilong, mapula ang labi, okay lang ang mata, ang buhok naka one island ang gupit na medyo red ang kulay lalo na pag nasisikatan ng araw kitang kita yung kulay pero bagay sa kanya—

"Finished drooling? Again?" sabi nya na ang laki ng ngisi.

=____=++

"Yabang!"

"Gwapo ba ako?"

"Hindi!"

"E bakit kung makatitig ka sakin parang may pagnanasa ka?"

O_____o

Agad ko naman syang pinagpapalo ng malakas. "Aray, ow, aw, ouch, machakit!"

"Kapal mo ha! Hmmp!"

"Tunay naman e. Bakit, crush mo ba ako?" sabi nya na di parin nawawala ang malaking ngisi sa labi.

"Ang taas ng confidence level mo ha! Pero oo!" pag amin ko.

O____o mukha nya. Hahaha.

"T..talaga?"

"Hoy lalaki! Wag kang assuming, crush lang. May iba akong mahal no!" sabi ko.

Kaso biglang lumungkot yung aura nya.

"O bakit ganyan ang itsura mo?"

"Wala. Bakit mo ko naging crush?"

"Gwapo mo kasi e. Cute pa!" sabi ko saka pinisil yung pisngi nya. Kakagigil.

"Aray naman, pero alam mo,"

"Hmm?"

"Crush din kita."

Ramdam ko ang pag init ng pisngi ko.

"Oyyy, nagblush sya. Kinikilig ka no? Ayiiii. Kinilig sya dahil crush ko sya. Hahaha." pang aasar nya na ngiting ngiti pa.

"Patawa ka. Psh." i said sarcastically saka sya inirapan.

"Eto naman. Joke lang yun!"

"Okay, magdrive ka nalang."

Napansin ko, makahawak naman ng kamay 'tong si Joshen. Grabe ha. Pasma pa naman kamay ko. Aha! Alam ko na.

"Joshen."

"Hmm?"

"Pasma ang kamay ko. Baka gusto mong tanggalin yang kamay mo?" sarkastiko kong sabi.

"Wag na, may aircon naman. Matutuyo din yan!"

=_____=++ oo nga no.

"Ngalay na ako."

"Nakapatong naman, pano ka mangangalay? Saka ka mangalay pag nakataas ang kamay natin."

=_____=++ sabi ko nga e.

"Tch! Bat kasi ayaw mo pang tanggalin?!"

"Lambot kasi ng palad mo!" sabi nya saka pinakiramdaman yung palad ko at pinahid sa pisngi nya.

"Yung totoo Joshen? Baka gusto mong masipa palabas?"

"Tss, di mo kaya yun!"

"At pano ko naman nasabi aber?!"

"E ako ang driver e. Baka mabangga pag wala ako."

"Yabang mo! Marunong ako magdrive no!"

"Weh?"

Falling Inlove With A Dota PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon