Chapter 20: ♥ Hello Philippines.

222 6 0
                                    

Rey's POV.

Nakasakay na kami ng eroplano kasama mga kapatid ko. Buti may nakatago akong pera para kapag kailangan magamit ko.

"Kuya what if gumanti si Dad? Pano na tayo? Makapangyarihan sya e." sabi ni Zay.

"Don't worry, i'll take care of that if it happens."

"Okay."

"Rey baka sakin gumanti si Dad, iniwan ko sya."

"Wag kang mag alala ate. Ano man gawin nya satin, sayo o kay Zay, ako ang poprotekta sa inyo. Kapatid ko kayo kaya walang pwedeng manakit sa inyo. I'll protect you at all cause."

"Sorry Rey, sa halip na ako ang nagtatanggol sa inyo ikaw pa yung nahihirapan. Sorry." nakayuko nyang sabi.

"Wala yun ate. Wag mong isipin yun. Simula ngayon, hindi ko kayo hahayaang masaktan. Ni makalapit kay Dad hindi. Wag kayong matakot, andito lang ako."

Pinalalakas ko lang ang loob nila, dahil may chance na saktan nga kami ni Dad. Hindi ko maipapangakong kaya ko silang bantayan araw araw pero gagawin ko ang lahat wag lang silang masaktan.

"Kain muna tayo. Gutom na ba kayo?" tanong ko. Nagnod lang sila.

Tinawag ko yung stewardess at umorder, kung ano nalang inorder ko. Konti nalang tira kong pera e, basta yung alam kong makakabusog.

Dumating na yung order at nagsimula na kaming kumain.

"Kuya san tayo titira pag dating natin sa Philippines?"

"Tinawagan ko si Tita, dun muna daw tayo tumira sa bahay nila. Wala daw kasing tao dun kasi nagbabakasyon sila." tumango tango lang naman si Zay.

"Rey san tayo kukuha ng pera?"

"Hahanap nalang ako ng part time job para may pera tayo."

"No. I'll find job, ituloy mo pag aaral mo. Ako ang magtatrabaho. Tutal may alam ako sa management ng business kaya magagamit ko yun para makapasok. Tuloy nyong dalawa ang pag aaral nyo." sabi nya.

"Ate ak—"

"I said no. Mas nakatatanda ako sa inyo. Dapat nga ako ang gumagawa ng ginagawa mo ngayon e."

"Ate wag n—"

"Rey! Just listen to me okay? Only this time. Make me work, gusto ko din namang makatulong. Sana pabayaan mo'ko dito."

"Okay." no choice na'ko e.  Kailangan ko din namang ipagpatuloy pag aaral ko.

Ilang oras din ang nakalipas nang lumapag ang eroplano. Ginising ko na sina ate at Zayden na natutulog kanina pa.

"Ate, Zay gising na. Andito na tayo."

"Hmmm."

"Nakalapag na ang eroplano."

Agad naman silang uminat bago kinuha yung mga gamit namin saka lumabas.

Pagkababa namin ng eroplano, hayyy. Namiss ko 'to. Ang polluted air ng Pilipinas, ang mga usok ng sasakyan. We're back! And Angel, just wait for me.

Sumakay na agad kami ng taxi para makapagpahinga narin ang mga kapatid ko.

Habang nasa biyahe, tahimik lang. Mahaba rin ang aming ibabyahe dahil sa probinsya kami pupunta, sa Batangas.

Dati, andito kami sa Manila nakatira. Sa Batangas lang nakatira yung mga kamag anak namin kaya madalas kami dun, masaya dun kasi andun ang mga pinsan namin.

At napagdesisyunan namin din noon na dun narin pumasok para may kasama kami. Nasa Batangas din kasi ang mga kaibigan ko e, sina Kenj at Lex. At saktong kina Kenj pa yung school na pinapasukan namin.

Falling Inlove With A Dota PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon