Chapter 22: ♥ Knowing The Whole Story.

325 5 0
                                    

Angel's POV.

Naglalakad na kami papuntang parking lot. Malayo palang, kitang kita ko na si Bam na nakatalikod kasi parang may inaayos ata sa kotse nya.

"Si Rey na ba yun?" bulong sakin ni Nics, yung tipong hindi maririnig ni Kenj kasi nga diba surprise namin!

Ngumiti naman ako saka nagnod.

Piniringan namin si Kenj bago palang makalapit kay Rey.

"San nyo ba ako dadalhin? Malapit na ba? Gano pa kalayo?" tanong nya.

"Manahimik ka nalang." saway ni Cass.

Napapout naman si Kenj. Kadiri lang.

Habang nakatalikod si Rey. Niyakap sya agad nina Cass at Nics. Nagulat naman si Rey, pero tinakpan namin ang bibig nya para sabihing wag maingay dahil ni Kenj. Nagets nya naman.

Habang nagkakamustahan sina Lex Cass at Nics kay Rey...

"Ano ba? Asan na ba ang surprise? Inamag na ako dito oh!"

Napatawa nalang kami in silent mode.

"Okay Kenj. Ready ka na ba?" tanong ni Lex habang inaalis ang piring ni Kenj sa likod.

"Oo nga! pinapak na ako ng mga lamok eh."

"One two three." pagkaalis ng piring ni Kenj, halata ang pagkagulat nito.

"R...r-rey?" nauutal na sabi nito saka sinundot sundot sa mukha si Rey. "Ikaw ba talaga yan Rey? Raven Smith? Ikaw nga!" sabi nito saka niyakap si Rey.

Natatawa nalang kami.

"Pare para kang bading! Hahaha." sabi ni Rey.

"Sino kaya satin." sabi nya saka pinakita ang muscle.

"Wag kang mayabang Kenj, wala ka nyan!" sabi ni Cass saka kami nagtawanan.

Napapout naman si Kenj.

"Kanina ka pa pout ng pout dyan. Di naman bagay, magtigil ka nga." sabi ni Nics saka pinektusan si Kenj. Hahaha.

Ang saya pala nito. Buo na ulit ang barkada.

"Teka Bey, bakit pugto ata ang mata mo? Umiyak ka ba?"

Paktay! Sabi na eh. Kala ko di nya mapapansin. -________-

"Ah eh... Wala 'to. He-he." sabi ko nalang.

Sinamaan naman nya ako ng tingin. -_______- Grabitii!

"Alam na alam ko pag nagsisinungaling o nagsasabi ka ng totoo Bey."

Nakupo. Wala na akong kawala dito.

"Let's talk about it later kapag katapos mong ikwento kung bakit ka umalis!"

"Naku. Ikaw talaga. Palusot. Sige na nga. Tara na guys. Lets go!" sabi nya.

Nagsunudan naman ang barkada saka sumakay sa kotse nya.

Pagkasakay namin, nagsimula ng magdrive si Rey.

"Oy madaya kayo! bakit di nyo sinabi sakin na andito na si Rey ha?!" ungol ni Kenj.

"Nagbubusy busyhan ka kasi. Yan tuloyy!"

"Aba. Since birth na ako masipag. Hindi nga lang halata."

"Oo hindi nga talaga halata!" saka kami tumawa.

"Teka Rey. Bakit ang daming dala mong gamit?"

"Bumili ako para sa bahay namin ngayon."

"E teka? Wala ba si tito?"

Falling Inlove With A Dota PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon