Chapter 17: ♥ His Company (Part 3)

278 6 0
                                    

**

Pagkatapos naming magpicture picture. Nag aya na syang kumain.

"Kain na tayo!"

"Sige, gutom na din ako e."

"Halata nga."

"Grabe ka, di naman masyado."

"Haha. Oo na, takot ko nalang sayo."

"Tss. Tara na nga."

Pumunta kami sa may malapit na food court. Korean restaurant ata 'to eh.

Pagkapasok namin. Biglang nag shine bright like a diamond ang mata ko. *___*

Ang ghwaaapo ng EXO. Hooo! Ang hot hot ni Kai, tapos ang kinis ni Luhan mukhang babae pero manly, si Baek, D.O at Tao naman ang pogiiii. Pero wag kayo! Poster lang yan. T.T

Hayyy. Kelan ko kaya sila makikita sa personal. Idol na idol ko mga yun e. Huhuhu. Lalo na si Luhan. Si Luhan kasi ang favorite ko sa mga yun. Ang gwapo kasi e. Naalala ko tuloy si Bambam. T.T

Flashback...

Nanunuod ako ngayon ng Music Video ng Overdose ng EXO sa youtube.

Oh.My.God. Ang gwapo at ang hot parin nila kahit na anong style ng buhok at damit nila. It always fits them well.

Ang astig pumorma, yung buhok nilang magulo pero bagay sa kanila. Yung damit nalang parang ulaga pero astig tignan pag suot nila. Yan ang EXO!

Kriiinggg!

"Ay pusaa!"

Beybey Calling...

"HELLO?!" sigaw ko sa kabilang linya.

(Parang badtrip ka ata?)

"Di ba obvious?!"

(What? May nagawa ba akong kasalanan? Gano kalaki?)

"Sobrang laki!"

(Eh?)

"Ano bang kaylangan mo?!"

(Sabihin mo muna sakin kung bakit ka galit?)

"WALA!"

(O e bakit ka sumisigaw?)

"Basta!!"

(Bakit nga?)

"Ang kulit mo naman e!"

(Di kita titigilan kapag di mo sinasabi kung bakit.)

"Oo na! Nanunuod ako ng music video ng boyfriend ko! Inabala moko!"

Nagkaroon ng ilang minutong katahimikan hanggang kinurious nako.

"Hello Bam? andyan ka pa ba?"

(Pano?)

"Ha?"

(May iba ka na.)

"Hal—"

(Pinagpalit mo na ako.)

"Ba—"

(Dapat sinabi mo na kagad. Para di ako nagaantay sa wala.)

"Wag—"

(Pano? Bakit mo to ginawa?)

"Wait—"

(May nagawa ba akong mali?)

"HAHAHAHAHA!" ewan ko pero natawa nalang ako. Hahaha.

(Seryoso ako pero tumatawa ka. Pinaasa mo na nga ako. Ewan ko sayo.)

Falling Inlove With A Dota PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon