Chapter 14: ♥ The Twins.

337 6 0
                                    

Rey's POV.

Kakagaling lang namin sa venue ng kasal. Andito kami sa Korea para maghoneymoon ng ngayon  asawa ko na. Caroline Maddison nga pala pangalan nya. Sa unang kita ko palang sa kanya, nabighani na ako sa kagandahan nya. Para syang reyna ng isang kaharian. Kaya pumayag na akong magpakasal sa kanya na bukal sa kalooban ko.

Nakalimutan ko na din si Angel. May asawa na ako, kaya di ko na sya iniintindi, it's time narin para kay Caroline Maddison na matuon ang atensyon ko. After all, kasal na naman kami.

Pero syempre JOKE lang yan! Asa pa kayong pakasalan ko ang pangit na yan! Mamamatay muna ako, tsaka isa lang ang tanging laman ng puso ko. Ang babaeng iniwan ko sa Pilipinas, ang first love ko.

"Baby, tara na sa baba. Iniintay na tayo nina Dad." tawag sakin ng pangit kong fiancee na dikit ng dikit sakin. Bakit kaya yan naging model dito sa US?! Ang pangit pangit. Wala pa sa talampakan ng Angel ko. Tapos gusto pa nya, buong pangalan nya ang itawag ko sa kanya! Shemay! Caroline Maddison! Baka gabihin pa ako pag buong pangalan nya ang itawag ko sa kanya. Ang haba haba kaya. Caroline Maddison! Pwe!

Pero by the way, highway. It's been two months na nung iniwan ko ang Pilipinas. Miss na miss ko na si Angel.

Tinatago ng Dad ko ang phone ko, kasi baka daw kontakin ko ang mga kaibigan ko sa Philippines lalo na daw si Angel. Tch! I want to get out of this hell! Damn!

"Baby, what's wrong?!" hahawakan na sana nya ako pero tumayo na ako sa kama ko.

"Pwede ba? Wag kang masyadong dikit ng dikit?! Tsaka anong baby?! Di mo ako anak! Bwisit!" sabi ko saka bumaba na.

Oo ganyan lagi ang inaabot nya sakin. Kapag didikit sya sakin, lagi ko syang sinisigawan. Kaso walang epekto e, sa halip na layuan ako. Lalo pang lumalapit. Bwisit na babae yan. Bullsht!

Angel's POV.

It's been two months nang umalis si Rey. God! Mamamatay na ata ako sa pagkamiss sa kanya. Sht lang!

Kadadating lang namin dito sa room kasama ang Gfs. At as usual, nadatnan namin ang 3G na kulang. Tss, lagi nalang.

"Hi Zombie girl!" tawag sakin ni Kenj at binatukan naman sya ni Nics. "Arraaay!" inirapan ko nalang.

Alam nyo yung itsura ko ngayon? Sobrang laki na ng eyebags ko sa kakaintay ng tawag ni Rey kaya zombie girl tawag sakin ni Kenj at Lex.

Nag iintay ako kahit text man lang nya. Pero wala, di bale mag iintay parin ako. No matter what.

Nagbell narin at dumating na ang homeroom teacher namin. Discuss lang ng discuss. Kakawalang gana, pero nakikinig parin ako. Kahit naman miss na miss ko na si Rey, di ko padin pinapabayaan ang pag aaral ko.

"Class we have a new classmates. They are twins. Come inside guys." sabi ni teacher.

Pero nakalipas na ang ilang minuto, at wala paring pumapasok kaya nagsimula ng mag ingay.

"Guys, come in now!" sabi ulit ni teacher, pero sa di inaasahan.

May confetti na sumabog mula sa pinto at may mga rose petals sa sahig na may pumapatak pang ribbons galing sa taas at may pumasok na dalwang magkamukhang lalaki, malamang. Twins nga diba?!

"Hi girls! I'm Joseph!" sabi nung isang pakaliwa ang style ng buhok na tirik tirik sabay kindat.

"Oh, hey there mga classmates! I'm Joshen. At your service!" sabi naman nung isang pakanan ang style ng tirik nyang buhok sabay pogi sign.

At nagsigawan naman ang mga kaklase ko. Syempre, di maipagkakailang gwapo sila e. Maganda ang build ng katawan, pang bench model, makinis ang mukha. Long eyelashes and kissable lips. Yummy 'to!

Falling Inlove With A Dota PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon