Chapter 15: ♥ His Company.

294 7 0
                                    


Joseph's POV.

"TAKBOOOOOO!" sigaw ko.

Hinahabol kami ng mga nakapila kanina sa cafeteria. Yung jinoke namin na may concert sina Daniel, Enrique at Sam. Tsk! Bakit ba sila naniwala?!

Tumatakbo lang kami, hanggang nakarating kami sa likod ng elementary building dito kaya konti nalang ang mga tao.

"Teka lang." hingal na sabi ni Angel.

"Bakit?" tanong ng kambal ko.

"Bakit ba kami tumatakbo?!" tanong ni Angel.

"Oo nga!" sang ayon nina Cass at Nics ata yun?

"Malamang, hinahabol tayo." pamimilosopo ko. Sinamaan naman nila ako ng tingin.

=___=++

"I mean, bakit kami kasama?! E kayong dalwa lang yung hinahabol." sabi ni Angel. Napakamot naman sa ulo sina Kenj at Lex.

"Oo nga no! Di ko naisip yun. Napagod tuloy kami. Tss." sabi ni Lex.

"Aba, problema nyo na yun. Bakit ba kayo sumunod samin?!" sabi ng kambal ko sabay tawa. Tumawa nalang din ako.

"Hahahahah—Araaaay!" naputol ang pagtawa ko ng batukan ako ni Angel. "Masakit kaya yun! Halkan kita dyan e!" sabi ko, namula naman sya.

"Hoy lalaki! Taken na yan. Back off!" sabi ni Kenj.

"Asa ka! Pano magiging taken yan, e wala nga syang partner e. Kayo ni Cass tapos si Lex at Nics. Sya lang ang wala." sabi ko, totoo naman e.

Nakita ko namang may namumuo ng luha sa mga mata ni Angel.

"Ano?! Bakit ka iiyak? E tunay naman e." nagsimula ng tumulo ang luha ni Angel. Tch.

Akmang susuntukin na ako ni Lex nang makitang umiiyak na si Angel pero pinigilan ng kambal ko.

"Pre, wala namang ganyanan." sabi ni Joshen.

"Pagsabihan mo nga yang kapatid mo! Wag nya 'kong susubukan." sabi ni Lex.

"Bro, respeto naman oh. Nagpapaiyak ka ng babae, tama na." payo sakin ni Joshen. Tch.

"Wala naman akong sinasabing masama e. Pawang katotohanan lang yung sinasabi ko! Bakit?! Meron ba ha? Meron?" totoo naman e. Bwisit.

Pero sa di inaasahan, lumapat ang kamay ni Angel sa pisngi ko. Bullsht! Ang pisngi ko! Fvck!

"Oo! Meron!" sagot nya habang patuloy na umaagos ang luha nya.

"Sa tingin mo maniniwala ako?! Nasan?! Ipakita mo nga sakin!" taas kilay kong sigaw pero sa pangalawang pagkakataon, nakatanggap na naman ako ng sampal.

"Wala sya dito! Umalis sya 2 months ago! Pero nangako kami sa isa't isa na walang mang iiwan!"

"O tapos?! Unang una, iniwan ka na nun Angel! 2 months? Antagal na ng 2 months! Nagpapakatiis ka lang sa kahihintay sa kanya! Wala ka ng hinihintay kasi dalwa lang ang pwedeng mangyari. Maaring nakalimutan ka na nya, o kaya naman naipagpalit ka na. Hmm, alin ka kaya sa dalawa." paliwanag ko pero nakita ko si Angel, humihikbi na habang umiiyak. Tss. Arte!

"Pare tama na yan!" nagulat ako nang sumigaw ang kambal ko. Kahit kelan, di pa nya ako sinisigawan. Fvck!

"Wag mong sabihing kinakampihan mo yan? Joshen, magkakampi tayo dito diba?! E bakit sakin ka nagagalit!" tangina! Gusto ko ng ilabas ngayon ang galit ko!

"Babae yan bro! Ba-ba-e! Nakakaintindi ka ba nun? Ang babae, ginagalang at nirerespeto. Pero anong ginagawa mo? Sinasaktan mo at pinapaiyak! Anong klase kang lalaki!"

Falling Inlove With A Dota PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon