Chapter 8: ♥ Learning The Game.

498 4 0
                                    

Angel's POV.

It's 6 o'clock in the evening and were here in Lex' restaurant eating some foods that we ordered.

''O san tayo sunod?'' tanong ni Lex.

May pumasok namang idea sa utak ko. *ting*

''Oy, turuan nyo nalang kaming magdota!'' suggestion ko. Napalingon naman silang lahat sakin. ''What?'' nagtatakong tanong ko.

''Seriously?'' tanong ni Rey.

''Oo nga, para kasing ang astig laruin. May iba ibang creatures na pagpipilian tapos-'' di ko na natuloy yung sinasabi ko ng magsalita si Kenj.

''Edi tara na.'' Dali dali naman akong tumayo, sakto naman na tapos na kaming kumain. Malapit lang dito sa restaurant ang computer shop, walking distance lang kaya naglakad lang kami.

''Seriously Angel? Gusto mo talagang magdota?'' tanong ni Cass.

''Oo nga, para naman may maggawa ako sa bahay. I mean tayo.'' sagot ko.

''Para namang ang boring laruin!'' reklamo ni Nics.

''Ang boring? E nagustuhan nga nung tatlong pogi dyan.'' biro ko.

''Para namang ulol lang yun, mamatay ka tapos papatayin mo yung ibang hero. Patayan lang.'' reklamo ni Cass.

''Oo nga.'' pag sang ayon ni Nics.

''Yun nga yung nagpapaastig dun. Lalong nagkakathrill, kasi pag madami kang napapatay, masarap sa pakiramdam. Hehe.''

''Oo na sabi mo e.'' pagsang ayon nung dalwa.

Hindi rin nagtagal e nakarating na kami sa loob. Puro mga lalaki, walanjo.

''Kuya paopen nga po ng anim na PC.'' sabi ni Kenj sa nag aassist duon.

''Hoy Moshiee anong anim? Tatlo lang. Bawal kayong maglaro kasi tuturuan nyo lang kami.'' reklamo ni Cass.

Sabagay, nakisecond the motion nalang kami ni Nics. At parang nadissappoint naman yung tatlong pogi. Haha.

''O sige, buksan nyo yung Dota dyan.'' walang ganang sabi ni Lex.

''Hoy tulungan nyo kaya kami. Wag yung uupo lang kayo dyan, kaya nga dinala namin kayo para magturo.'' inis kong sabi. Nagsitayuan naman silang tatlo at parang nabuhayan sa pagrereklamo ko.

''Ok, ipipili kita ng Hero.'' paninimula ni Rey sa pagtuturo sakin. ''Dun ka sa Agility na bahay, hanapin mo yung Dwarven Sniper tapos yun ang piliin mo.'' dagdag pa nya.

''Ano?! E andami nyan ah! Bago ko pa maisa isa.'' reklamo ko.

''Edi hanapin mo, para masanay ka wag ka ng umangal.'' sagot nya. Nakakainis naman kung ganto magtuturo sayo, di nalang sabhin kung nasan. Paghahanapin pa ako. Bwisit. At ng dumaan ang ilang minuto, sa wakas. Nahanap ko narin yung Dwarven Sniper. Takte, pinagpawisan ako dun ah!

''Oy Bam! (short for Bambam) ano ng sunod?'' tanong ko.

''Bumili ka ng Courier.'' sabi nya.

''Saan dito?'' tanong ko.

''Hanapin mo dyan sa bilihan dyan.'' sabi nya.

''Whaaaat? Andami daming bilihan dito, ano 'to iisa isahin ko na naman? Grabe na Bam, syasyamsyamin ako dito e.'' napafacepalm nalang ako. -.-

Di man lang sumagot ang poging ito. Hay nako, nagsimula na akong maghanap. Nakaka5minutes na ako kakahanap wala parin. Tss, sang lupalop ko ba hahanapin yun? Peste.

''Gusto mo ako na maghanap para sayo?'' tanong ni Bam.

''Hay nako, nakaramdam karin.'' para akong nabunutan ng tinik ng magsuggest sya na sya nalang. -.- Nagulat nalang ako ng yumakap sya sakin. O.O Di naman totally yakap, yung parang nakayakap lang tapos nakahawak sa mouse ng computer kasi sya nga ang maghahanap.

Falling Inlove With A Dota PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon