Chapter 9: ♥ Group Project.

698 6 0
                                    

Angel's POV.

Andito na kami kina Rey at nagtutuloy nung lentek na experiment na yun. Well, powerpoint presentation naman yun kaya dala dala namin ang laptop namin at nagresearch. Merong nakatoka sa amin na ireresearch. Kaya bawal umuwi hanggang di pa tapos.

''Guys maggawa narin kaya tayo ng experiment gamit ang chemicals.'' sabi ni Cass.

''E ano sa tingin mo ginagawa natin?'' sagot ni Nics.

''Hindi yang powerpoint, dapat yung presentation na makikita ng mga kaklase natin.'' saad nya.

''Diba nakikita naman 'tong powerpoint. Lagyan ng projector, kahit nga laptop lang kita na e.'' sabi ni Rey.

''Hindi naman yung ganun e! Yung tayo mismo ang gagawa, yung hahawakan natin.'' dagdag pa ni Cass.

''E diba tayo naman ang gumagawa nito, tsaka malamang hahawakan natin kasi pipindutin yung projector.'' sagot ni Lex.

''Hindi kasi yun—'' sabi ni Cass pero pinutol namin.

''E ANO NGA KASI YUN?!'' sabay sabay naming sigaw.

''Kailangang sumigaw? Pede namang hinaan lang. Tsk tsk.'' sagot ni Cass.

''Anong nangyayare dyan?'' biglang dating ni Ate Ally.

''Itong si Cass di namin maintindihan ang pinagsasabi.'' sagot ko.

''Cass, parto ka nga. Ano ba yung di mo maipaliwanag?'' tanong ni Ate, at lumapit naman sa kanya si Cass at naupo sila sa sofa at nagpaliwanag si Cass. Kami naman e tinuloy namin ang ginagawa naming research.

''Guys gets ko na si Cass.'' biglang sabi ni Ate Ally.

''O ano daw Ate?'' tanong ni Kenj.

''Gusto nya daw e yung kayo mismo ang mag eexperiment, yung bibili kayo ng chemicals na kayo mismo ang magpepresent sa buong klase, yung kayo yung magpapakita ng pagsasalin salin at pagkakaiba ng chemicals, yung kayo—'' di na natuloy ang sasabhin ni Ate Ally nang magsalita kaming lima.

''AHHHH, GETS NA NAMIN.'' sabay sabay pa yun! Kagaling naman. Hahaha.

''Bakit naman ganun pa Cass? Pede namang Powerpoint nalang e!'' sabi ni Nics.

''Para mas mataas ang grade natin. Ayaw nyo nun? Para sa may mga hulog dyan, edi makabawi tayo dito. Ay, correction! Kayo lang pala hindi ako kasali sa may mga hulog. Hehe.'' sabi ni Cass.

''Si Cass nanlaglag pa e. Naman!'' sabi ko na ikinatawa naman nila.

''Sige, pagkatapos nating magresearch diretso tayo sa mall para bumili ng mga chemicals.'' saad ni Kenj.

''May chemicals ga sa mall?'' tanong ni Nics.

''Aba malay ko!—Araaaay!'' reklamo ni Kenj nang batukan ni Nics.

''Nagsuggest ka, pero di mo sure kung meron. Aba, matindee!'' sabi ni Nics.

Pagkatapos naming magresearch, siguro nakatatlong oras kami dun. Ay nagdiretso na kami sa ewan ko kung san kami pupunta para humanap ng chemicals.

''Ale, san po ba nakakabili ng chemicals dito. Yun pong nagagamit sa experiment?'' tanong ni Bam dun sa Ale.

''Malamang hijo, ginagamit sa experiment yun. Magtaka ka kung iniinom yun.'' pamimilosopo ni Ale na ikinatawa ko. Hahaha, pilosopohin ka ga naman ng di mo kilala. Nakita naman ako ni Bam na tinatawanan ko sya tapos sinamaan lang nya ako ng tingin. E ano dun? Kala naman nya natatakot ako dun. =___=++

''San nga po?!'' pasigaw na sabi ni Bam.

''Ah, dun malapit dun sa may tindahan. May mga makikita kang stalls dun tapos pag may nakita kang nakadikit na chemicals dun sa isang stall, yun na yun!'' paliwanag nung Ale.

Falling Inlove With A Dota PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon