"HAPPY BIRTHDAY, Elai," masayang bati ng ninang ni Elai na kararating pa lamang sa bahay nila.
"Thank you, ninang," nakangiti niyang wika at inabot na ang dala nitong regalo. She placed it along with the other gifts. It was her thirteenth birthday. Nakagawian na talaga nilang magkaroon ng handaan sa bawat birthday nila ng Kuya niya. Mas bongga nga lang ngayon dahil na-promote sa opisina ang ama nila.
Nang tingnan niya ang mga magulang ay abala rin ang mga ito sa pag-estima ng mga bisita. Panaka-naka naman siyang nakikipag-kuwentuhan sa mga kaklase niyang naroon sa party niya.
Ngunit hinahanap ng mga mata niya ang kanyang Kuya Exel na nagpaalam kanina na may pupuntahan lamang na kaibigan, iimbitahan daw nito. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin ang kapatid. Gusto pa naman niyang singilin na ito sa ipinangako nitong regalo sa kanya.
Naupo na lamang siya sa tabi ng mga kaibigan niya. Sino ba iyong inimbitahan ng Kuya niya at ang tagal naman yata nitong makabalik.
Mayamaya lamang ay nagliwanag na ang mukha niya nang makita ang pagparada ng kotse ng ama nila na siyang ginamit ng kanyang Kuya. Narito na ang kanyang kapatid.
She excitedly stood up and rushed to their gate. When she opened it, hindi ang kapatid niya ang kanyang nabungaran. Bagkus, it was a tall boy who looked so much like her crush--- Jesse Mccartney.
Napalunok siya dahil nang magtama ang mga mata nila at nang ngumiti ito sa kanya ay huminto sa pagtibok ang dibdib niya. Ganoon na ganoon ang nararamdaman niya sa tuwing nakikita niya ang mga crush niya sa eskuwelahan nila.
"Hey, Miss Africa."
Naputol ang pagtitigan nila ng lalaki nang biglang tumabi rito ang nakangisi niyang kapatid. Kapag tinatawag siya nitong Miss Africa ay alam niyang magsisimula na naman ito sa pang-aasar sa kanya. She was tan, she got it from her mother. Pero kung makapang-alaska ang Kuya niya, parang kasing-itim na siya ng puwit ng kaldero. She thought that day was an exception, she was wrong.
Napasimangot siya at tumingin sa kanyang Kuya Exel. "'Regalo ko?"
"Oh," he snapped and handed her his small gift. "There you are."
"Ba't ang liit?" nakakunot ang noong wika niya rito.
Napatingin siya sa kasama nito nang sabay ang mga itong tumawa. Sa murang edad niyang iyon, alam na alam na niya ang salitang guwapo. And this man in front of her was way more than being handsome. There was something about him that kept her looking and staring. He was so charming. Walang binatbat ang mga college crushes niya na nasa kanilang eskuwelahan. Kung ihahalo ito sa sobrang daming tao, he would surely stand out.
"Size doesn't matter, sis. Just thank me after you open that one," nakangisi pa rin nitong wika sa kanya. "Siyanga pala, this is Russell. Siya 'yong sinasabi ko sa inyong kaibigan ko."
"Hi, Elai..." anito sa kanya. Parang huminto na naman sa pag-inog ang mundo niya nang marinig ang buo at suwabe nitong boses. Sa hula niya ay magkaedad lang ang Kuya niya at ito--- twenty years old--- pero ang tinig nito ay para nang sa malalaking mama.
"H-Hello..." nahihiyang sagot niya.
"Pasensiya ka na at wala akong gift, biglaan kasi akong niyaya ng Kuya mo," anito.
Napangiti na lamang siya. Nang magyaya na sa kanila ang kanyang Kuya sa loob ay doon pa siya mismo tumabi kay Russell sa paglalakad. Mabait ang bukas ng mukha nito at ang gaan-gaan kaagad ng pakiramdam niya rito.
All throughout the party, she was with him. Mabait talaga ito at talagang nakikisabay sa pangungulit niya. Kung noon ay agad siyang nabo-bore sa kanyang party, ngayon ay hindi na. For her, it was the best birthday party ever!
Sinaway pa nga siya ng kapatid niya at baka nakukulitan na sa kanya ang kaibigan nito. But Russell told him it was fine, he even smiled at her for the nth time.
Napangiti na lamang siya sa naging rekasiyon ng kanyang batang puso. She liked him already.
BINABASA MO ANG
Ang Sinisinta Ni Elai (PHR 2013 - Unedited) (COMPLETED)
RomanceSa unang paglapat pa lang ng mga mata ni Elai kay Russell noong thirteenth birthday niya ay nagka-crush na siya rito. At a young age, she thought he was the man she had been waiting for. Kaya naman inalagaan niyang mabuti ang nararamdaman niya para...