"RUS?"
Napatingin si Russell sa pintuan ng opisina niya nang marinig ang katok mula roon.
"Pasok."
Iniluwa mula roon ang kaibigan niyang si Excel. Napatingin siya rito.
"Tapos ka na ba sa ginagawa mo?" tanong niya. Nang ipakita kasi nito kanina ang ginagawa niya ay marami-rami pa iyon.
"Hindi pa nga, eh. Ikaw? Uuwi ka na ba?"
Tumango siya. "Oo, malapit ko namang matapos 'to, bukas ko na ipapakita sa kliyente natin ang first draft. Ikaw? Umuwi ka na rin, bukas mo na lang 'yon tapusin."
Umiling ito. "I have to finish it tonight. Alas onse pa naman, kailangan ko 'yong paglamayan."
Napangiti na lamang siya. "Ang sipag-sipag mo, kaibigan. Wala ka pa namang nobya."
Napangiwi ito sa sinabi niya. "'Wag mo nang ipaalala. I'm here because I need to ask a favor, kung okay lang."
"What is it?"
Napabuntong-hininga ito. "Si Elai kasi, hindi pa nakakauwi sa bahay, nasa Tropic resort kasi kasama ang mga kaibigan. Nang tawagan ni mama naghihintay pa raw ng kotseng maghahatid sa kanya. Gabing-gabi na, hindi naman ako pwedeng umalis dahil kailangan ko pang ayusin ang trabaho ko. Pwede bang ikaw na lang ang magpunta sa kanya?"
Agad siyang napatango sa sinabi ng kaibigan. "Sure, ako nang bahala."
Matapos nitong magpasalamat ay nagpaalam na itong babalik sa opisina nito. Siya naman ay agad na kinuha ang susi ng kotse niya. Lihim siyang napapailing nang maalala si Elai. Kanina lang ay niyaya siya nitong mag-dinner pero hindi naman siya pwede. He had loads of work to do.
Pagkatapos ngayon ay sumama pala ito sa mga kaibigan nito. He sighed when he entered his car. Thirty-minute drive ang gugugulin niya bago makarating sa resort kung nasaan ang dalaga.
But it wasn't the big deal. Nag-aalala lang siya rito.
He could not help but let out a sigh when he remembered Elai. She was acting really... ah, he could not tell. Hindi niya alam ang inaakto nito sa kanya. Lalo na sa sinabi nitong liligawan siya nito. Alam ba nito ang sinasabi nito?
Did she have any idea about his feelings? Elai was a very attractive woman. But she was Excel's baby sister. And she was like a sister to him. Bakit bigla-bigla na lang ay ganoon ang sasabihin nito sa kanya?
He thought of Elai all throughout his driving. Hanggang sa makarating na siya sa resort. Agad na nakita niya sina Elai, ang kaibigan nitong si Carmen, ang kinakapatid nitong si Diego, at ang apat na lalaki na sa hula niya ay mga kaklase nito.
Napatiim-bagang siya nang makita ang isa sa mga kasama nitong lalaki na panay ang dikit sa dalaga. Kumulo ang dugo niya sa nadatnang eksena.
KANINA pa tingin nang tingin si Elai sa relo niya. It was eleven thirty already. Na-late sila ng uwi dahil ang isa sa dalawang van na dala nila ay nagloko ang makina. Kaya ang nangyari, nauna na munang ihatid ang iba nilang kaklase at babalikan na lamang sila. Kapag ganoon na ang oras ay wala na rin silang makitang pampasaherong sasakyan doon, medyo tago kasi ang resort. Ang mga nagpupunta roon ay talagang nagdadala ng mga sarili nilang sasakyan.
Unfortunately, hindi maaasahan ang sasakyan na dala ng kaklase nila. She even told her mother that she was going to get home at exactly ten thirty.
Nakakapag-init din ng ulo niya ang sobrang kulit na si Paul na kanina pa tabi nang tabi sa kanya. Wala naman itong ginagawang masama. Naiirita lang talaga siya sa bawat paglapit at pagkausap nito sa kanya. Even though she was obviously not in the mood to talk to him. He still kept on insisting.
BINABASA MO ANG
Ang Sinisinta Ni Elai (PHR 2013 - Unedited) (COMPLETED)
RomansaSa unang paglapat pa lang ng mga mata ni Elai kay Russell noong thirteenth birthday niya ay nagka-crush na siya rito. At a young age, she thought he was the man she had been waiting for. Kaya naman inalagaan niyang mabuti ang nararamdaman niya para...