"You may now kiss the bride," anunsiyo ng pari.
Russell looked at her with so much love in his eyes. Nang tingnan niya ang mga bisita nila ay nagpapalakpakan ang mga ito. Her mom was crying, pati na rin ang ama niya. Her brother... well, he looked like the happiest brother and friend in the whole wide world. All the people inside the church were smiling from ear to ear.
Ibinalik niya ang tingin sa kanyang groom na nakangiti sa kanya. He slowly lifted up her veil and touched her face. It was full of love. Hindi niya maiwasan ang manginig. She was teary eyed.
When he slowly lowered his face to reach her, she gently closed her eyes. And when his lips finally reached its destination... tears of joy went down her cheeks.
"Elai... w-wait."
Naalimpungatan si Elai nang marinig ang boses na iyon ni Russell. Naibuka niya ang mga mata. Namula siya nang mapagtantong nakakapit siya sa binata. Halos hangin na lamang ang nakapagitan sa kanila.
"S-Sorry," aniya at pinakawalan na ang binata. Her face was burning out of shame!
When she looked at him, his eyes were smiling and teasing her. "Are you okay?" tanong nito.
"Yeah, I'm fine...," napalunok siya. Damn you, dream. "Why are you here, anyway? Err, yeah, this is your unit. I'm so sorry. Naisip ko lang maglinis dito that's why I'm here."
"It's okay, 'Lai. Dapat nga kitang pasalamatan. Sobrang linis na ng condo ko dahil sa 'yo. Hindi naman 'to kailangang gawin," anito at tumabi sa kanya.
"No, I want to. Kumain ka, may dala akong food. Nasa table."
"Sabayan mo na 'ko," anito sa kanya.
She nodded. "Okay."
Ito na mismo ang nag-ayos ng pagkain na dala niya. She looked at the wall clock, it was already three thirty PM.
"A-Ano nga palang nangyari kanina? Bakit nakakapit ako sa 'yo?" napapangiwing tanong niya sa binata.
"Nang dumating ako, nakita kitang natutulog sa sofa. Nilapitan kita dahil naawa ako sa posisyon mo. Then you grabbed me and---."
"And?" she raised her eyebrows.
"You kissed me."
Napahumindig siya. "No way!"
"Yeah, you did, Elai. Halika na, let's eat."
Wala sa sarili na naupo na lamang siya. So the kiss in her dream was real. Totoong hinalikan siya ni Russell!
Well, sa panaginip 'yon. In real life, I was the one who kissed him. Uh, Elaiza!
"I'm sorry, Rus," she said. Her cheeks were burning.
He smiled at her and pinched her nose. "Kumain ka na. I know you're hungry, nilabhan mo yata lahat ng marumi kong damit."
"Hindi naman marami."
Yumuko na lamang siya at sinimulan na nilang kumain. She was so ashamed. Bakit naman kasi iyon nangyari?!
Hanggang sa matapos silang kumain ay wala pa rin siya sa sarili. She wasn't over about the kiss yet. Ang dating pa sa kanya ay parang sinamantala niya si Russell.
Gee, hindi naman niya gustong maging ganoon ang unang halik niya.
Oh... my. Siya nga ang first kiss ko!
"Forget it, 'Lai. Kanina ka pa tahimik d'yan. Hindi ako sanay," Russell said and smiled.
Napangiti na lamang siya. Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang dalawang kamay niya. They were facing each other.
BINABASA MO ANG
Ang Sinisinta Ni Elai (PHR 2013 - Unedited) (COMPLETED)
RomanceSa unang paglapat pa lang ng mga mata ni Elai kay Russell noong thirteenth birthday niya ay nagka-crush na siya rito. At a young age, she thought he was the man she had been waiting for. Kaya naman inalagaan niyang mabuti ang nararamdaman niya para...