Eight

6.3K 132 2
                                    


NAPABUNTONG-hininga si Elai habang nagbibihis nang umagang iyon. She refused Paul's invitation. May plano na kasi sila ni Russell nang araw na iyon. Mamasyal sila, just like what she said last night.

Ewan ba niya, bigla na lang iyong nanulas sa mga labi niya. Na-realized niyang na-missed niya nang sobra ang binata. Gustuhin man niyang huwag itong pansinin, magalit dito at huwag nang makipaglapit sa binata... ay hindi niya magawa.

Her feeling for him was too strong. Hindi niya akalain na mabubuhay ang lahat ng nararamdaman niya rito noon sa muli nilang pagkikita. At heto siya ngayon, makakasama niya ang binata sa pamamasyal.

I'm so weak...

Pero mas gugustuhin pa niyang maging mahina pagdating sa nararamdaman sa binata keysa sa tikisin iyon. The latter was the hardest thing. And she doubt if she could ever do it.

"Anak, nand'yan na si Russell sa baba."

Napaigtad siya sa sinabing iyon ng ina. Nagmamadaling inayos niya ang sarili. She wore jeans and white sleeveless turtle neck. Isinuot na niya ang kanyang wedge sandals. Hell, she was excited to see him.

Nagpaalam na siya sa mga magulang na noon ay may sarili ring lakad. May date rin yata ang mga ito. And her brother was already at work.

"Hey," bati niya sa binata nang makalabas na.

She reminded herself to maintain her cool even if her heart was going wild just seeing him in front of her.

Mas naging guwapo yata ito ngayong umaga. Well, paano ba naman, hindi mo naman siya matitigan nang maayos kagabi.

He looked handsome as usual wearing his striped polo and white cargo pants.

"We didn't talk about where we're going but look at us... magkatugma ang suot natin," nakangiting wika nito sa kanya.

"True," she agreed. Guwapo mo, tsong. Brrrrrr... "Well, sa'n nga ba tayo pupunta ngayon?"

"It's a surprise..." anito sa kanya.

Binuksan na nito ang pinto ng kotse upang makapasok na siya. Napangiti na lamang siya sa sinabi nitong surprise.

Magpo-propose ba siya sa 'kin?

Nais niyang iuntog ang ulo sa harap ng kotse sa naisip niya. She hadn't changed. She was still the delusional girl back then.

"Are you staying here for good?" tanong niya sa binata nang nagsimula nang umandar ang kotse nito.

He nodded. "Yes, my contract in Dubai ended last week. And I don't have any plan of renewing it. Nag-request na 'ko na dito na ulit magtrabaho. Pero next month pa 'ko magsisimula, I still have time to relax."

"Hindi ka ba masaya sa Dubai?"

Umiling ito. "Malungkot nga ro'n, eh. So I just busied myself to work to avoid homesickness."

Napatango siya. "Y-You didn't meet a prospective bride there? N-Naalala ko kasi, bago ka umalis, sinabi mo sa 'kin gusto mo nang mag-asawa." Damn it, Elai. Why are you stammering?!

"Yes, sinabi ko nga 'yan. But it's not easy, 'Lai," natawa ito. "Gusto mo ngang mag-asawa pero wala ka namang pwedeng pakasalan. Ang gusto mo namang pakasalan... hindi mo pa pwedeng makasama."

Napatingin siya sa binata. May maliit na aspili yatang tumusok sa puso niya. Ibig sabihin, may gusto na itong pakasalan, may mahal na ito. Napalunok siya.

"I'm sorry."

Marahan itong natawa. "But I will get her."

Nakagat niya ang labi. Good for you. "That's good."

Ang Sinisinta Ni Elai (PHR 2013 - Unedited) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon