Ten

10K 265 31
                                    

"YOUR GIRLFRIEND called," malamig na wika niya sa binata habang inihahanda ang pagkain. Ayaw niya itong tingnan at baka bumigay na ang mga luha niya.

Saka na siya iiyak, iyong solo niya ang paligid. Para feel na feel niya ang moment.

Great... patawanin mo ang sarili mo. Baka ma-depress ka na.

"What?"

"Tumawag ang girlfriend mo, nasa cell phone mo ang number niya. Kailangan daw ninyong mag-usap."

"Hindi---."

"Stop talking to me kung wala ka ng ibang gagawin kundi tumanggi," wika niya sa binata. "And stop distracting me with your lies, kumain na tayo. After this, ihahanda ko na ang mga gamit ko. Ihatid mo na 'ko sa 'min."

"Elai..."

Itinaas niya ang mga kamay. Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. Pumwesto na ito sa mesa, sa harap niya.

Walang imikan na kumain sila. For her, it was fine. Mas mabuti na iyon, baka pumiyok ang boses niya at umagos na ang pinipigil-pigilan niyang luha.

Nauna itong matapos, naupo lang ito roon. Binilisan naman niya ang pag-ubos ng sa kanya bago tumayo.

"Kung hindi ka pa uuwi, mauna na 'ko," she said.

"Ihahatid kita."

She sighed. "'Kay. Ayusin mo na ang mga gamit mo, maliligo na 'ko."

Tumingin ito sa kanya, agad naman siyang umiwas dito. Saka na siya nakahinga nang maluwag nang tumalikod na ang binata at lumabas na ng kuwarto.

Nagmamadaling tinungo na niya ang banyo at doon na ibinuhos ang lahat ng emosyon niya. Umiiyak na itinapat niya ang sarili sa shower. The pain was killing her heart. Pakiramdam niya ay nawawalan na siya ng lakas.

Bakit ba? Alam ko naman na may mahal na siyang iba. Bakit na-sorpresa pa 'ko?

Natutop na lamang niya ang bibig at impit na umiyak. Ang sakit pa rin. Masakit pa ring malaman at marinig ang boses ng babaeng mahal ng lalaking mahal niya.

NAGSISIKIP ang dibdib ni Russell habang nagmamaneho ng sasakyan. Gusto na niyang kausapin si Elai at magpaliwanag dito pero ayaw naman nitong makinig sa kanya. Mas lalo lang itong nagagalit.

Nang tingnan niya kung sino ang tumawag sa kanya. It was Celine. She had been his constant date last year. Ngunit bago siya umuwi ng Pilipinas ay sinabi na niyang hindi na sila magkikita. That he was coming home and he was going to win the heart of the woman she had always loved. And it was Elai.

Ngunit kung kailan siya may nakikitang pag-asa para makuha ang dalaga ay saka naman dumating ang problema. He wanted to yell at Celine. Kung bakit hindi nito naintindihan ang sinabi niya na hindi na sila pwede. Na si Elai ang mahal niya.

He texted her before they left. Sinabi niya ang lahat ng kailangan niyang sabihin dito para mas lalo siya nitong maintindihan. Wala naman siyang natanggap na reply dito.

She just want to piss me.

Sandali niyang sinulyapan si Elai. Nakatingin lang ito sa labas. Ni hindi siya nito sinusulyapan mula pa kanina. He sighed. Gustong-gusto na niyang magpaliwanag sa dalaga. But she was so mad at him right now.

Last night was the happiest night in his entire life. Pakiramdam nga niya ay sasabog na ang dibdib sa sobrang kaligayahan. He was the first man in her life.

Kanina nga paggising niya ay pinagmasdan niya ang dalaga. He was thinking of telling her parents that he wanted to marry her. Ngunit ngayon, iba ang kailangan niyang ayusin.

Ang Sinisinta Ni Elai (PHR 2013 - Unedited) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon