NAPAHAWAK si Russell sa kanyang sentido nang makita ang paparating sa kanyang opisina. It was Maya. Ang babaeng panay ang pangungulit sa kanya mula pa noong nakaraang linggo. Hindi naman niya akalain na ang pagse-set up ng kasamahan niya sa trabaho rito ay mapupunta sa pangungulit nito. She was pissing him off.
He sighed when his door opened. Pumasok doon si Maya kasunod ang sekretarya niya.
"'Sorry po, sir, hindi ko na po siya napigilan, eh."
Tumango na lamang siya. Sinenyasan niya itong lumabas na muna.
"Why are you avoiding me?" wika ng babae sa kanya.
"I'm not avoiding you, Maya," aniya at nag-angat ng tingin dito. "We just dated, okay. Hindi naging tayo, so why are you coming after me? Hindi mo ba maintindihan na busy ako at wala na akong oras na makipag-date pa sa 'yo."
Naningkit ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. "We had sex!"
Napabuntong-hininga siya. "Yes, we had. Because you asked for it. Don't use that to get into me."
Pinindot niya ang intercom at sinabi sa guard na pumasok sa opisina niya.
"You can't do this to me, Russell," nanggagalaiting wika nito.
"Yes, I can."
Bago pa ito makalapit sa kanya ay pumasok na ang security guard at nahawakan na ito. Nagwawala pa rin ito hanggang sa makalabas na ng tuluyan sa opisina niya.
Napailing na lamang siya. She was one of those women that were so willing to make a mess after a short date. Kaya nga ba umaayaw na siya sa pakikipag-date sa mga babaeng hindi niya masyadong kilala. Mapapasok lamang siya sa gulo at sakit ng ulo. Mga bagay na hindi niya gusto.
Muli siyang napatingin sa pintuan ng opisina niya nang may kumatok doon.
"Come in," aniya.
"Hi!"
Napatingin siya nang pumasok si Elai roon. Napatitig siya rito.
"Elai? Wala ka bang pasok?" tanong niya.
Umiling ito at umupo na sa upuan na nasa tapat ng mesa niya. "Tapos na ang klase ko, Rus. Mamayang three PM pa ang susunod."
"All right, and what are you doing here?" tanong niya.
Hindi naman kasi ugali ng dalaga na magpunta roon dahil ayaw iyon ng kapatid nito.
"I brought you lunch," anito at inilapag ang dala nito para sa kanya.
Nagutom siya nang malanghap ang mabangong amoy niyon.
"Wow, thanks. Lunch break na pala, hindi ko na namalayan," aniya at ngumiti rito.
"Masyado ka kasing subsob sa trabaho. Kami ni mama ang nagluto niyan," anito.
"Hindi mo ba dadalhan ang Kuya mo?" tanong niya.
Umiling ito. "Malayo pa 'yon kung pupuntahan ko."
Napatango siya. Naroon kasi sa field ang Kuya nito para sa project na kasalukuyan nilang tinatrabaho.
"Sino ba 'yong babaeng nakita ko sa labas na pinapaalis ng mga guard?" tanong ni Elai sa kanya mayamaya.
"Oh, that?" napailing siya nang maalala ang nangyari kanina. "Si Maya."
Nang tingnan niya ang dalaga ay nakataas na ang kilay nito. "Girlfriend mo?"
"No," aniya habang umiiling. "She was just trying to convince herself that she's my girlfriend."
BINABASA MO ANG
Ang Sinisinta Ni Elai (PHR 2013 - Unedited) (COMPLETED)
RomanceSa unang paglapat pa lang ng mga mata ni Elai kay Russell noong thirteenth birthday niya ay nagka-crush na siya rito. At a young age, she thought he was the man she had been waiting for. Kaya naman inalagaan niyang mabuti ang nararamdaman niya para...