Five

5.6K 116 3
                                    


MARAHANG sinipsip ni Elai ang straw ng juice niya. Naroon sila ni Russell sa ilalim ng punong kahoy na nasa golf club pa rin. They were standing against his car. Malapit nang mag-alas sais ng gabi. Ang sabi nito sa kanya ay ihahatid na siya nito mayamaya. Medyo nabitin pa rin siya sa halos kalahating araw nilang pamamasyal.

Bakit ba kasi ang dali lang ng oras kapag siya ang kasama ko?

Pagkatapos nilang lantakan ang apat na dessert kanina sa snack house ay niyaya siya nitong maglaro ng golf. He taught her how. Ngunit wala yata siyang matandaan isa man sa sinabi nito dahil nadi-distract siya na nasa likod lang niya ang binata.

It was crazy, pati ang simpleng pagdidikit nila ay nagbibigay sa kanya ng hindi maipaliwanag na sensasyon. It was as if all the butterflies in her stomach were in a rally. Punching and creating chaos inside her.

Napangiti siya sa naisip at nilingon ang binata na tahimik na iniinom ang energy drink na siyang in-order nito kanina. Kahit medyo padilim na, she could still see his handsome face. His perfect jaw that gave his face that magnetizing look. His red lips. And his thick eyebrows.

This sight... is..., she sighed. Nauubusan na siya ng adjective para sa binata. He just got it all.

Nag-init pa ang mukha niya nang bigla itong tumingin sa kanya. He smiled boyishly at her.

"You're staring at me again. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kitang nahuli na tinititigan ako sa kalahating araw na magkasama tayo," nakangiting wika sa kanya ng binata.

She managed to answer him with a smile. "Wala naman. Masama bang titigan ka?"

Mas lalo itong napangiti at binawi na ang tingin sa kanya. Nakahinga siya ng maluwag.

"I wanna get married, 'Lai," anito sa kanya mayamaya.

Napakunot ang noo niya. "Lahat naman tayo do'n ang tungo."

"I wanna get married soon," wika ulit nito.

Inulit nito ang sinabi. Ngunit sa pagkakataong iyon, nabagabag na siya sa salitang 'soon'. May natitipuhan na ba itong babae na gusto nitong pakasalan?

Nag-isip na lamang siya ng isasagot sa binata. Aba, hindi maaaring magpakasal na ito agad-agad.

"'Wag na munang soon, hindi pa nga ako nakaka-graduate, eh," she chuckled. "Hintayin mo muna akong maka-graduate."

Napailing ito at marahang hinapit siya palapit dito. Her heart swirled like crazy when he did that. Nakasandal siya sa balikat ng binata habang nakaakbay naman ito sa kanya.

"Puro ka talaga biro, 'Lai, anito.

Napalabi siya. I'm not... joking.

"Bakit bigla mo yatang naisip 'yan?" tanong niya.

"You know, I don't have a family."

"Eh, nandito naman kami, ah. Kami na ang pamilya mo."

"I know. But I wanna start a family of my own, get married... and have kids."

Sumama yata ang pakiramdam niya sa pinagsasabi ng binata. She didn't like it.

"Bakit may pakakasalan ka na ba? You said you don't have a girlfriend," nakasimangot na wika niya rito. Mabuti na lamang at madilim na, hindi nito makikita ang nguso niya. She was pissed off.

"Wala pa nga, but I can find."

Tuluyan na siyang lumayo sa binata at tiningnan ito. "Finding a wife is not easy. You can't just drag someone out there and propose marriage. Akala mo naman parang paghahanap lang ng katulong ang gagawin mo. Mahirap na ngang hanapin ang katulong, asawa pa kaya?" litanya niya sa binata.

Ang Sinisinta Ni Elai (PHR 2013 - Unedited) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon