Seven

5.9K 144 2
                                    


Three years later

"YES MA, naasikaso ko na ang vacation leave ko," nakangiting wika niya sa ina. Kausap niya ito sa cell phone habang inaayos naman niya ang kanyang mga gamit. She would go home the next day.

"Aba naman dapat lang, anim na buwan ka nang hindi nakakauwi sa 'tin," wika ng ina niya. Halata sa boses nito ang sobrang excitement. Pati ang ama niya na nakausap niya kanina at ang kapatid niya.

"Si mama talaga, last year nga one year din akong hindi nakauwi sa 'tin."

"Ay naku, hindi na 'yon pwedeng mangyari uli. Don't bury yourself to work, hija. We missed you so much."

"I missed you too, ma. Lahat kayo d'yan," aniya.

After she graduated from college. Agad siyang nakakuha ng trabaho sa isang airline. Because she finished as cum laude, her professor offered her help. Ang brother in law kasi nito ay isa sa mga may ari ng airline kung saan siya nagtatrabaho ngayon. Isa na siyang flight attendant ngayon. Sa Australia nakabase ang airline company nila. Nakarating naman siya nang USA at Europe dahil may regular flight din sila roon.

She was excited to go home. Nakahanda na rin ang mga pasalubong niya para sa pamilya at mga kaibigan niya.

"Ang ganda ng timing ng pag-uwi mo, dahil uuwi na rin si Russell," masayang balita sa kanya ng ina.

Natigilan siya. Uuwi na si Russell? Kinapa niya ang sarili. Hindi na niya malaman kung ano ang magiging reaksiyon, for three years that she hadn't seen him, she was mad at him. Masama ang loob niya sa binata at pinilit niyang kalimutan ito. Kaya nga nagpakalayo-layo siya.

Hindi na rin siya nakibalita sa ina niya kung ano na ang kalagayan ni Russell sa Dubai. Ayaw na niyang makarinig pa ng kahit ano tungkol sa binata. She had wanted to forget him so bad.

But you failed.

Napailing siya. Yes, she tried dating pero hindi naman siya nagkaroon ng boyfriend. Hanggang date lang siguro talaga siya. But so what, she was still young.

"Anak, nand'yan ka pa ba?"

"Y-Yes ma, don't worry. Malapit na 'kong umuwi, magkikita na tayo."

Naupo siya sa kama niya nang matapos na ang tawag niya sa ina. Parang naduwag siya nang malaman na uuwi na rin si Russell.

"You're thinking again."

Napatingin siya sa pinto niya at napangiti nang makitang naroon si Jazmine. They shared the apartment. Kasamahan din niya ito sa trabaho. She was half-Australian and half-Pinay.

"I'm thinking what to bring when I come home," nakangiting wika niya rito.

Lumapit ito sa kanya. "Sigurado ka?"

She smiled as she heard her cute accent. Medyo hindi kasi ito sanay magtagalog. Pero nakakaintindi naman ito ng tagalog.

"Yes, I'm sure," she said.

Naupo ito sa tabi niya. "I'm going to be lonely here. You'll be gone for a month. No one's gonna bug me here anymore."

She laughed. "Ayaw mo no'n? You'll be peaceful here."

Natawa na rin ito. "Nah, I'm going to miss you. And I'm hoping that when you get back here, you'll tell me good news. Like you're in a relationship already."

Napangiti siya. Malabo yata 'yon. Nang tawagan niya si Carmen at ibinalita nitong uuwi siya ay naisingit pa nito si Paul. The man was still waiting for her according to her friend. Kapag nakauwi na raw siya ay i-di-date siya ng binata. Lihim siyang natawa. For some reason, she just couldn't see the two of them as an item.

Ang Sinisinta Ni Elai (PHR 2013 - Unedited) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon