"SERYOSO ka?" napatanga ang kaibigan niyang si Carmen dahil sa sinabi niya rito.
"I'm serious, Carm. At isa pa, ilang taon na rin naman, 'no. Walang mangyayari kung wala man lang akong gagawin."
Ito lang ang tanging nakakaalam sa pagkakagusto niya kay Russell. She was her bestfriend kaya kumportable na siyang sabihin dito ang lahat ng nararamdaman niya.
"You're hundred percent sure?" muli nitong tanong sa kanya.
Iningusan niya ito at ininom muna ang juice na in-order niya. "I'm sure. I've never been so sure."
"Ewan ko sa 'yo. Tsaka alam naman natin na parang kapatid lang ang turing no'n sa 'yo. Now tell me, what do you think would his reaction if you start flirting on him---."
"It's not about flirting, Carm," pagtatama niya rito.
"Okay, pagpapa-cute sa kanya, panliligaw kay Papa Russell, it's the same..."
She rolled her eyes. "It's not..."
Ito naman ang nagpaikot ng mga mata nito. "Okay fine. Back to my question, ano sa tingin mo ang magiging reaksiyon niya? Baka isumbong ka no'n sa kuya mo."
"Nah, I don't think so. Russell's not the kind of guy that would tell issues like that to my brother. Hindi siya gano'n. Siguro maso-sorpresa or maninibago, but you know, I'm gonna do it really smoothly. The next thing he'll know, he's already in love with me," puno ng kumpiyansang wika niya sa kaibigan.
"Wow, ang lakas ng confidence, ha."
"Naman!"
Matamang tumitig sa kanya si Carmen. "You know you're pretty, patunay ang mga lalaking nagkakandarapa sa atensiyon mo. But... you're not the type of girl Russell would fall in love with. You're like a little kiddo..."
Naningkit ang mga mata niya sa kaibigan, kapagkuwan ay napasimangot siya. Well, that was basically one of the reasons she was her best friend. She was brutally honest and she liked it. Ngunit kapag pagdating na kay Russell ay naiinis siya.
"Grabe ka tumibag ng confidence ko, ha," aniya. "And FYI, I'm not a kid. I'm a lady. Kung itatabi mo 'ko kay Russell, bagay na bagay kami. Makikita mo, magiging akin siya."
Natawa na lamang ang kaibigan niya. "Goodluck with that..."
Kinagabihan ay nadismaya pa siya nang hindi kasama ng kuya niya si Russell. Akala pa naman niya ay doon ito maghahapunan.
"Kuya, where's Russell? Akala ko dito siya magdi-dinner?" tanong niya sa kapatid.
Nag-angat ito ng tingin mula sa pagkakatingin nito sa mga papeles na dala nito galing sa trabaho.
"May paglalamayan kami pareho sa trabaho. Kaya hindi na siya dumaan dito, marami pa 'yong gagawin..." anito.
She sighed. Dismayadong-dismayado talaga siya. Nami-miss na kasi niya ito.
"Bakit ba hinahanap-hanap mo 'yon lagi, ha, Miss Africa?"
Napasimangot siya. "Kuya naman, eh. 'Wag mo na nga 'kong tawagin ng ganyan. Akala mo naman sobrang itim ko. Morena ako, at mala-Mila Kunis ang balat ko, hindi pang-Africa."
Natawa ito.
Tumabi na lamang siya sa kapatid niya. "Kailan ba maghahapunan uli dito si Russell?"
"Hindi ko alam, 'Lai. Busy kami sa trabaho kaya wala na siguro 'yong oras."
"He has time. May time naman kayo sa pagkain, 'no."
BINABASA MO ANG
Ang Sinisinta Ni Elai (PHR 2013 - Unedited) (COMPLETED)
RomansaSa unang paglapat pa lang ng mga mata ni Elai kay Russell noong thirteenth birthday niya ay nagka-crush na siya rito. At a young age, she thought he was the man she had been waiting for. Kaya naman inalagaan niyang mabuti ang nararamdaman niya para...