VI - Glimpses of the Past

42 0 0
                                    

Hindi ko na halos makita ang dinaraanan ko dahil sa pawis na mga pumapatak sa mata ko. Napapagod na rin ako tumakbo pero kailangan kong 'wag huminto. Unti-unti na ring dumidilim ang kapaligiran na mas lalong nagpapakaba sa akin.

Huminto ako at nagpunas ng pawis ko. Pagod na pagod na ako at naramdaman ko na rin ang kirot ng mga sugat ko sa talampakan. Naghanap ako ng pwedeng mataguan.

Nararamdaman ko na siyang papalapit kaya agad akong tumago sa mga punong nandito. Mas lalo pang dumagundong ang dib-dib ko ng makita ko siyang nasa harapan ko lang. Sana hindi n'ya ako mapansin. Pinigilan kong 'wag huminga dahil pakiramdam ko pati paghinga ko maririnig n'ya pati na rin ang kaba sa dibdib ko.

"Charlotte alam kong nasa paligid ka lang." pigil na pigil ang pag hinga ko.

Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita si Charmaine na tumatakbo papalapit sa pwesto ko.

'No please, wag kang lalapit sa akin mapanganib!'

"Char!" Nagising ako na puno ng pawis at nag-aalalang mukha ni Shannel ang bumungad sa akin.

"Kanina pa kita ginigising 9 o'clock na kasi 'di ka pa rin gumigising." Napatingin naman ako sa cell phone ko at 9 am na nga.

Mabuti na lang suspended pa rin ang classes kaya 'di ko pinoproblema kong late man ako nagising ngayon.

Pumunta ako sa bathroom at tumingin sa salamin.

Bakit sa panaginip ko si Charlotte ako? Hindi ako si Charmaine? Ano ba talaga? Naguguluhan na ako.

Lumabas na ako sa bathroom matapos kong maka pag hilamos. Wala na si Shannel and Jane dito. Sabagay kahit nong ginising ako ni Shannel wala na rin dito si Jane.

Lumabas ako ng dorm para bumili ng pagkain sa cafeteria. Pagdating ko sa cafeteria kukunti lamang ang tao dahil siguro 9 am na 'to. Maraming tao kasi dito kapag lunch talaga.

"Shion." bulong lang ang pagkakasabi ko. Nandito din kasi siya at kasabay nyang kumain si Ellise.

"Hi Charmaine!" napalingon ako sa tumawag sa akin. It's Francheska kasama nya yong dalawa nya pang friends. I don't know the other one pero kilala ko ang isa si Jessie.

She's my old friend.

Ngumiti ako sa kanila at halatang ikinagulat nila yon. Kailangan kong makisama sa kanila para malaman ko ang iba pang detalye.

Pagtapos kong makuha ang food ay dumiritso ako sa table nila Jessie. Halata sa mukha ni Jessie na ayaw nya akong kasama.

"Mabuti naman Charmaine sumama ka na sa amin. Si Jessie nga pala and Dhanniela they are my friends." pagpapakilala sa ni Francheska sa kanila.

Tumingin naman ako kay Jessie at marahan na nag smirk.

"Nice to meet you— again" mahinang sabi ko sa hulihang salita. Hindi sumagot si Jessie pero halata sa kanya na naiinis siya sa presensya ko.

Tumayo na ako para sana umalis pero napahinto ako ng biglaang manlabo ang paningin ko. Epekto ba 'to ng pagpokpok sa ulo ko nakaraan?

Huli kong nakita bago ako mawalan ng malay ang nag-aalalang mukha ni Shion.

"Charlotte!"

"Saan ka?"

"Nandito na ako."

The Devil's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon