XIII - The killer

38 0 0
                                    


Charamaine's POV

Nasa dorm ako at nandito rin si Jane ngayon. Nagbabasa na naman siya ng mga libro. Si Shannel naman ay kalalabas lang bibili daw siya ng pagkain. Napapansin ko nga napapadalas na yong pag c-crave ni Shannel sa pagkain.

"Charmaine," agad akong napalingon kay Jane. Hindi siya naka tingin sa akin tanging sa mga libro lang.

"Matagal na kayong magkakilala ni Shion?"

"Hindi kami close," malamig na sagot ko sa kanya. Nakita ko ang palihim na pag ngiti nya.

"Bakit naman grabe ka maka lingkis sa kanya nong nakita ko kayo nong isang araw? May something ba?"

"Yes, nililigawan nya ako." pagsisinungaling ko.

Bumagsak ang libro na binabasa nya at nag bago din ang expression ng mukha nya. Masyado naman halata 'tong si Jane.

"May problema Jane?" agad nyang dinampot ang bumagsak na libro at tumingin sa akin. Ngumiti muna siya kahit halata naman na pilit lang ang pag ngiti nya.

"Walang problema. Mabait si Shion kaya dapat sagutin muna siya," halata ang pagka plastic sa sagot nya.

"Bakit 'di mo subukan?" nagtaka naman siya sa tanong ko. "Halata naman kasi na may gusto ka sa kanya," dagdag ko.

"What? Friend lang kaming dalawa ni Shion," medyo naging awkward na ang pag sagot nya. Hindi na ako sumagot pa dahil halata rin naman nagsisinungaling siya.

Halos ilang minuto rin naging tahimik ang buong paligid nang biglang dumating si Shannel.

"Guys, may balita ako!" Halata sa mukha nya ang excitement. "Pinayagan nga pala si Caren na dito sa dorm na natin," halos ang laki ng ngiti ni Shannel.

"Ayaw nyo ba?" Tahimik kasi kaming dalawa ni Jane.

"Ayos lang sa akin ewan lang sa iba," sagot ni Jane. Tumingin naman sa akin si Shannel at halata ang lungkot sa mukha nya.

"Ayaw mo Charmaine?"

"Nah, it's okay."

Malapit nang mag 7 pm kaya nag balak na kaming lumabas para kumain. Pero hindi sumabay sa amin si Jane.

******

Jane's POV

Nang umalis na sila Charmaine ay agad kong kinuha ang matulis na bato na nasa ilalim ng kama ko. Lumabas ako ng room at hinanap si Caren. Ayoko siyang maging ka dorm mate. Inilagay ko sa bulsa ang bato.

Inaabangan ko siyang lumabas. Mabuti na lang din dahil siya ang pinaka huling lumabas. Wala rin siyang kasama, napangisi ako dahil naaayon sa mga plano ko ang lahat.

Sinuot ko ang jacket ko na may hoodie. Nang makarating na siya sa pwesto ko ay agad ko siyang hinila sa madilim na part.

"Bitiwan mo ako! Sino ka?" nagpupumiglas pa siya pero sinugatan ko ang pulsuhan nya. Reason para dumugo ito at manghina siya sa dami ng dugo na umawas.

"Anong kailangan mo sa akin?"

Binitiwan ko na siya at agad siyang na tumba dahil sa panghihina.

"Sinabi ko naman sa'yo 'di ba manahimik ka na?"

"J-jane?" Halata sa boses nya ang panginginig at pag katakot.

"Pero mukhang 'di ka nadadala. Siguro dapat manahimik kana!"

"Jane, maawa ka. Wala naman akong gagawin na 'di maganda."

Akala nya ba mauuto nya ako? Ilang beses nya na akong blinackmailed kay Charlotte. Akala nya siguro matatakot nya ako.

The Devil's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon