X - A Birthday Gift

37 0 0
                                    

Charmaine's POV

Maaga akong gumising ngayon dahil pupunta ako kay Shion. Gusto ko siyang kausapin kong bakit ganon na lamang yong reaction nya.

Lumabas ako ng dorm ng 5:30 am medyo madilim pa. Siguro dahil makulimlim ngayon kaya madilim pa talaga usually kasi kahit 5:30 maliwanag na ang paligid dito.

Habang naglalakad ako may babaeng naka jacket na itim sa unahan. Hindi ko siya maaninag dahil madilim pa nga. Agad siyang tumakbo nong nakita nya ako.

The fuck! Siya yong laging nakamasid sa akin. Atleast nalaman ko na babae pala siya.

Tumakbo ako para habulin siya pero 'di ko na siya nakita. Dumiritso agad ako sa entrance ng hide-out nila Aki. Tinignan ko muna ang buong paligid kong wala bang naka tingin sa akin.

Pagdating ko sa hide-out wala pang ni isang gising sa kanila. Si Kenneth dito pala natulog nandito kasi siya sa couch nakahiga.

Pinihit ko ang doorknob ng room ni Shion pero naka lock ito. Hihintayin ko na lang siguro silang magising.

Umupo ako sa isa sa mga couch at naka tingin lang sa kawalan. Mga ilang minuto pa ay pupungay pungay ang mata ni Kenneth na nakatingin sa akin. Agad itong napabalikwas ng upo.

"Nandito ka pala, Kaye," gulat na turan nya.

"Hindi anino ko lang 'to," sagot ko. Tumayo naman siya at inunat ang mga braso.

"Kanina ka pa? Wala 'ata dito si Shion 'di siya natulog dito."

"Ano? Sa dorm siya natulog?" agad naman itong tumango sa akin.

Mukhang alam nya na pupuntahan ko siya rito kaya don siya na tulog.

"Kilala mo si Skyler?" napahinto naman siya saglit.

"Si Skyler? Pagkakaalam ko karibal yon ni Shion kay Charlotte," umiiling iling pang sabi nito. "Kong balak mo siyang tanungin about dyan naku, 'wag na."

"Bakit?"

"Nag cheat 'ata si Charlotte at si Skyler yong dahilan," agad nangunot ang noo ko. Si Charlotte nag cheat? Imposible!

"Pakisabi pumunta ako dito at gusto ko siyang makausap. Hindi ko alam kong anong ikinagagalit nya." lumabas na ako at iniwan si Kenneth don na nagkakape.

Sakto 6:00 am ng nakalabas ako. May pakiramdam na naman ako na may naka tingin sa akin. Parang may nagmamasid sa bawat kilos ko. Pero 'di ko mahuli kong na saan siya?

*****

Vivienne's POV

Sinuot ko ang gucci handbag ko ngayon it's because it's my birthday. Nilagay ko rin ang mga invitation card na nasa bag ko. Gaganapin ang event mamayang gabi. So, busy ako ngayon mag distribute ng mga invitation card ko.

Last examination na namin kailangan kong maging top ulit. Hindi ako papag-aralin ng parents ko sa ibang bansa kapag 'di ako naging top.

Kasabay ko ngayon si Zero na wala na namang sa mood. Parang pilit na pilit sa kanya yong pag sabay sa akin. Nakakainis tuloy tignan ang mukha nya. Oh, well wala naman akong paki basta sa akin siya ma kasal. Bata pa lang kaming dalawa pinagka sundo na kami agad ng mga parents namin.

"What's this?" Ibinigay ko kasi sa kanya ang invitation card.

"Ano pa ba? Edi invitation card!" Gusto ko pa sana mag reklamo kasi parang 'di nya rin naaalala na birthday ko.

Ayokong masira ang araw ko ngayon kaya kumalma ako.

"Oh, okay."

Pumasok na ako sa room dahil maya-maya mag s-start na ang exam. Pero before pumasok ang teacher binigay ko muna sa mga piling classmate ko ang invitation card ko for my birthday. Ayoko namang isama lahat ng batchmate ko, dzuh they are not my friends and yong iba di rin worth it na i-invite.

Sakto dumating na ang teacher namin ibinigay ko ang isang invitation sa kanya.

"Wow! Thank you, Vivienne." tuwang tuwa ang teacher ko na pa irap na lang ako.

Excited din talaga ako para mamaya dahil mamaya i-a-announce kong kailan ang date na ikakasal kami ni Zero. Gusto ko rin kausapin ang parents ni Zero dahil 'di nila alam ang pinanggagawa ni Aki.

Pagkatapos ng exam pumunta pa ako sa ibang classroom para ma bigyan ko ang ibang kakilala ko.

Habang naglalakad ako nasalubong ko si Charmaine. Sakto dahil bibigyan ko siya. Gusto ko kasi makita nya kong gaano ka ganda ang buhay ko. Alam ko naman kasing inggit na inggit siya sa akin.

"You're invited," inabot ko sa kanya ang card at tinignan nya lang naman ito.

Hwag nyang sabihin na 'di nya tatanggapin!

"Thank you," napangiti ako ng kinuha nya sa kamay ko ang invitation card na hawak ko.

"You're welcome," bago umalis na ako.

Baka lalo pa kasing masira ang araw ko kapag na kausap ko pa siya ng mas matagal.

****

Charmaine's POV

Medyo late na ako dumating sa birthday party ni Vivienne dahil wala naman talaga akong balak pumunta. Pinilit lang ako ni Shannel dahil wala daw siyang kasama.

Naagaw ang atensyon naming lahat ng sumigaw si Vivienne. Lumapit kami ni Shannel at marami ding mga nakikiusisa.

Patay na daga ang isa sa mga gift kay Vivienne. Nag-oopen kasi siya ng birthday gift nya. Napangisi na lang ako.

Fresh pa yong dugo ng daga halatang kaka patay lang nito. Narinig ko rin ang mga bulong bulungan ng ibang nandito. Yong iba sinasabi deserve na halatang pinaplastic lang si Vivienne at yong iba sadyang concern talaga sa kanya.

"You!" napataas ako ng kilay. "Ikaw ba ang nag regalo nito sa akin? Sinasabi ko na nga ba ang laki ng inggit mo sa akin! Pati ba naman birthday ko sisirain mo!" halatang gigil na gigil siya.

"Wala nga akong gift sa'yo tapos ako papagbintangan mo? Bat naman kita papag aksayahan para bigyan ng regalo."

"Ikaw lang naman yong inggit na inggit sa akin at may galit! Sana talaga 'di na kita in-invite!" Sino ba kasing may sabi sa kanya na imbitahan ako?

"What happened here?" dumating ang daddy ni Vivienne.

"Dad," sabi nito na nagpapa-awa effect pa.

"Who did that?"

Hindi ko na pinakinggan sila at iniwan ko na rin si Shannel. Mukhang ayaw nya pa kasi umuwi.

Habang naglalakad ako palabas sumabay sa akin si Aki. Hindi ko nga rin nakita si Zero siguro nagtatago yon dahil si Aki yong nakalabas. Sadyang ayaw nya lang siguro talaga kay Vivienne.

"Hindi ikaw may gawa non?" agad akong na inis sa tanong nya.

"Tingin mo gagawin ko yon?"

Bat ako ba yong nasa isip nila?

"Okay, akala ko lang kasi," sinamaan ko lang siya ng tingin at lumabas na 'di din naman siya sa akin sumunod.

"Char?" napalingon ako sa tumawag sa akin at si Jero pala.

"Invited ka rin?"

"Nope, inabangan lang talaga kita para may kasama ka umuwi."

"Thanks."

Sabay kaming naglakad pabalik sa school ni Jero. Tingin ko hinahanap na ako ni Shannel siguro itetext ko na lang siya na nauna na ako. Maaga pa rin naman quarter to 9 pa lang.

"Char wala na ba talagang pag-asa?" napahinto ako sa tanong nya. Gusto kong ma guilty dahil iniwan ko siyang walang dahilan.

"Sorry," yan lang yong tanging nasagot ko.

"Naiintindihan ko naman siguro na pagod ka lang sa ugali ko," sa totoo lang napaka green flag ni Jero. Pero 'di ako makakapag focus sa mga dapat na gagawin ko kong nasa tabi ko siya.

Nang makarating kami sa school naghiwalay na kaming dalawa. Pagdating ko sa dorm wala si Jane. Pagkakaalam ko 'di siya invited kaya nga sa akin nagpasama si Shannel pero bakit wala siya dito?

The Devil's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon