SOBRANG IKLI LANG NETO SERYOSO. :3
_________________________________________
Buyer.
It was a tiring day. Parang dinaan ng bagyo ang workplace namin sa sobrang dami ng kalat. Nagpe-prepare kasi kami ng mga props para sa incoming recital ng mga bata. Isa ako sa mga punong abala and it sucks. Dapat nasa harap lang ako ng computer ngayon at gumagawa ng database, nagfe-facebook at nagtu-twitter. Kundi ba naman kasi nag-iisip yung naka-assign dito eh. Sinong matinong tao ba ang tutungtong sa sirang upuan! =_=
It's almost 5:00 pm ng matapos namin ang dapat matapos ngayong araw. I still have a dinner date with my BFFs at 7:00 pm sa mcdo malapit sa pingo-OJThan ko. Dahil medyo maaga pa I decided to have a coffee first sa coffee shop na katabi lang ng Mcdo.
Pagpasok ko sa coffee shop may isang grupo ng kalalahikan ang agad nakakuha ng attention ko. Guess who? Ang Tigers lang laman. Shets. I immediately get my phone para mag-tweet at inggitin si Kassie at Ram.
@AinaLouise: @KristiGrace @airaaam OMG! ANG DAMING TIGRE DITO. YKWIM. :">
While I was busily tweeting bigla nalang akong nabungo. A guy wearing a yellow shirt di ko makita yung mukha niya dahil pinulot niya yung nalaglag kong phone. Nagulat ako ng malaman kong si Teng pala yun. Omg. Maiinggit si Ram pag kinwento ko sa kanya 'to. Kinuha ko yung phone sa kamay niya at nag-thank you. Pagkatos nun I went directly to the counter and ordered Chocolate Chip Cookie. Inantay ko muna yung order ko bago humanap ng seat. As I got my frap naghanap ako ng upuan. Madaming tao that time luckily nakahanap ako ng upuan at mas maswerte dahil katabi lang nito ang table ng Tigers.
Nang maka-upo na ako I check my phone kung nagreply na yung dalawa, himala wala silang reply. Tsaka ko lang naisip na poorita nga pala kami at prepaid lang ang gamit namin. So I texted them nalang na nandito ako sa coffe shop katabi ng mcdo at nandito ang Tigers. A minute later may natanggap na akong reply.
From: Ram
Really?! Edi nangingisay ka na sa kilig ngayon diyan? HAHAHAHAHAHA. :P
PS: Poorita si Kassie. Di siya makakapagreply sayo wala siyang load.
To: Ram
Shut up. If I know gusto mo ng mag- teleport dito para makita si Teng. <3
From: Ram
ASA KA! KAY THOMAS TORRES LANG 'TO!!!
To: Ram
Denial queen!
Habang katext ko si Ram di ko mapigilang ngumiti dahil pinagpipilitan niyang si Torres ang crush niya at hindi si Teng. Hayok na hayok parin ako kaya di ko napansin na may tao pala sa tabi ko.
"Miss...." Paglinon ko. Sheeeems. Alam niyo ba kung sino yun? Si KIM KAIZEN LO lang naman. Omg! Feeling ko mukha akong tanga nakatunganga sa kanya.
"Pwede bang itigil mo na ang pagii-stalk sakin?" Sabi niya sakin.
"Ha?" Teka. Ano daw? Nabingi ata ako dun.
"Ang sabi ko pwede bang itigil mo na ang pagii-stalk sakin?" Aba feelingero 'to ah.
"Naka-drugs ka ba?" Di ko alam na may adik pala sa Tigers. I gather all my things at umalis na sa lugar nayun. Mahirap na baka mapagkamalan pa akong buyer ng shabu.
_________________________________________
'Kassie' paki-proof read. Hahahaha.