Eto na. Nagbunga na ang pangungulit niyo. Wala kasi talaga akong mapiga sa utak ko.
Thank you nga pala sa mga nagbabasa kahit waley 'to. Hayaan niyo ililibre ko kayo ng candy. Hahahah. xD
________________________________________________________________________________
Stuck in the moment...
It's been a week since the kids had their recital, a week when we had lunch with the the Tigers and Forts and Lo's Parents, a week since I got my phone back, a week when we saw a very drunk Jeric, a week since Ram's shamefull moment. A week. One week. And that means only one thing. Work no more! Yay! Money no more. Huhuhu.
Nandito ako ngayon sa bahay nakatunganga. Since tapos na yung OJT ko wala na akong ginagawa ngayon kundi mag- internet. Tumawag kanina si Kassie sabi niya magkita kita daw ulit kami mamayang hapon. Sa UST nalang daw kami magkita-kita dahil inaayos niya yung papers niya for shifting. Si Ram naman ay mage- eenroll ngayon.
After lunch ay naligo na ako para puntahan yung dalawa sa UST. Nagyaya na naman kasi si Kassie na manood ng sine. Manood daw kami ng "There was never an us." If I know huhugot lang naman ulit yung babaeng yun eh. Inaayos ko na yung gamit ko, nagdala narin ako ng I.D para sigurado. I texted them that I'm already on my way. Kassie replied that text her again pag nasa-USTe na ako. It was an almost two hour ride from Bulacan to Espanya. I texted Kassie na nandito na ako sa loob university. She replied na puntahan ko nalang siya sa 4th floor ng Raymund's. Tinanong ko nasan na si Ram, di pa raw 'to nakakapag-enroll dahil sa haba ng pila sa accounting kaya puntahan ko nalang daw muna siya.
Pagdating ko sa Raymund's ay muntik pa akong di makapasok buti nalang mabait si Kuyang guard at nakalusot ako. At dahil tamad akong maglakad naisapan kong sumakay nalang ng elevator. 4th floor din kaya yun! Medyo marami ring estudyante ngayon ewan ko lang kung bakit. Nag-antay ako saglit pagtingin ko sa taas ay nasa 3rd floor palang yung elevator ilang sandali halos di ko namalayang bumukas na yung pinto ng elevator sa harap ko. Pagsakay ko himalang wala akong kasabay. I hit the 4th floor button sabay sa pagsara ng pinto. Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ako and I texted Kassie na paakyat na ako. Tutok na tutok ako sa phone ko ng may tumawag sakin.
"Louise?" paglingon ko ay nakita ko Lo. Kung sinuswer... este minamalas ka nga naman oh. Bat ba di ko napansin na sumakay pala 'to?
"What are you doing here?" tanong ulit neto sakin.
" Naglalaro. Enjoy nga oh!" I said in a sarcastic way.
"Hey! what did I do to you? Nagtatanong ng maayos yung tao eh."
"Tao ka pala?" at di ko na napigilang tumawa.
"Sige lang. Laugh all you want." hindi parin tumitigil ako matigil sa katatawa eh kasi naman, ng biglang may marinig kaming galabog galing sa taas.
"Huy anong nangyari. Ano yun?"
"Ba malay ko. Mukha ba akong x-ray machine para makita kung ano yung nasa taas?" ilang sandali pa ay tumigil sa pag-andar yung elevator na sinasakyan namin.
"Shit. Bat huminto?" sabi ni Lo.
"Traffic daw sa kanto." sagot ko naman dito.
"Last mo nayan. At nakuha mo pa talagang mabiro ah. Aren't you afraid that we might stuck here?"
"May mangyayari ba kung matatakot or magpa-panick ako. Mabuti pa mag-emergency call nalang tayo." sabi ko dito.lumapit ako sa emergency phone na nasa elevator pero kukunin ko palang 'to ay biglang namatay yung ilaw. Kaya napatigil ako bigla.
"Shit. Anong nagyari? Bat walang ilaw?" pabulong kong sabi.
"Hey, ayos ka lang?" naramdaman kong naglakad 'to papalapit sakin. Pero di ko siya sinagot. "Wait. I'll just get my phone." Here. Ayos ka lang ba?" sabay tapat ng phone niya sakin. I just nodded for a reply.