For the first time in forever.

143 7 11
                                    

Wala na talaga akong maisulat. Kajirits. Bahala na si Batman este si Green Lantern nalang daw dahil busy masyado na daw busy yung iba sabi ni Louise. Matapos ko lang 'to masaya na ako. Kahit hindi maging masaya si Louise basta matapos ko 'to. Bwahahahahaha.

_____________________________________________________________________________

For the first time in forever...

Kung busy ako last time, mas busy ako ngayon. It's almost 9:00 in the evening pero nandito parin kami sa AFP Theater. Bukas na kasi yung recital ng mga bata. Nililigpit na namin ang mga props na ginamit sa technical rehersal kanina. Buti nalang at medyo maagang pinauwi ang mga bata dahil kung hindi malamang aabutin kami ng siyam siyam dito. Bigti na. Pagkatapos mag-ayos may short meeting pa kami, briefing & announcements lang para bukas.

After an hour pinauwi na rin kami sa wakas. Gabi na kaya hirap na kaming maghanap ng masasakyan, buti nalang mabait yung boss namin kaya hinatid niya kami hanggang sa MRT station. Ako ang pinakahuling bumaba sa kanila. Pagkababa ng MRT dumeretso ako sa terminal ng SM North at dun sumakay papuntang Malolos. It was an exausting day pagdating kong bahay dumiretso agad ako ng kwarto ko, lapag ng bag, I changed clothes, jump onto my bed, and drifted to sleep.

***

Nagising ako sa ingay sa labas. When I look at the clock It's already 7:00 in the morning. Shems, male-late ako neto. Binilisan ko ang pagligo at pagbibihis hindi narin ako nag- almusal. 9:00 am ang call time namin at almost two hours ang biyahe ko papuntang AFPT. Ngayon na ang play ng mga nag worshop samin this summer. Last batch na namin sila. Sa wakas! Pero mamimiss ko rin yung may nangungulit sayo, yung tipong wala naman silang ginagawang masama pero naiinis ka dahil sa kakulitan nila.

It's almost 7:30 ng maka-alis ako sa bahay. Medyo boring yung biyahe ko dahil wala akong mapaglibangan. It's been a week but I still haven't got my phone yet. Baka kung anu-ano na ginawa nun ni Lo. Deds ako panigurado. After a two hour boring ride naarating narin ako sa AFPT. Patay na talaga ako sa mga kasama ko. Pagpasok ko ng backstage tinalakan nila ako pero dinedma ko lang at ginawa ko ang mga dapat kong gawin. I check my wrist watch. The program will start at 10:30. We only have 5 mins. to prepare. Sumilip ako sa labas, marami naring tao. Ilang minuto pa sumigaw na ang director namin na magi-start na kami in a minute or two. Pumunta sa ako sa harap ng stage hinanap ko sina Kassie at Ram. Binigyan ko kasi sila ng ticket. Yung ticket na binigay ko ay para sa mga reserved seats para madali ko silang malapitan. Kinawayan ko muna sila bago ako lumapit sa kanila.

"Hoy bruha! Text ako ng text sayo bat hindi ka nagrereply?" singhal ni Kassi sakin.

"Baka makapag-reply. Hoy Ram! Di mo pa ba nasasabi dito?"

"Di naman niya sinabi sakin na tine-text ka niya eh."

Ngayon lang din ulit kami nakapag-usap after that incident. Di pa nga naman alam kung ano talagang nangyari kay Kassie nung hatakin siya ni Jeron. Iniwan ko muna sila dahil narinig ko na ang cue. Lumabas na ang mga bida at nagsimula ng kumanta bumalik na ulit ako sa likod at nag-stay dito para siguraduhing maayos ang lahat.

***

Lo's POV

Maaga akong gumising ngayong araw. 8:00 am, maaga na sakin yan pag walang practice. Recital kasi ni Dara ngayon sa pinasukan niyang worshop. She'll play as Queen Elsa from the famous Disney movie Frozen. Kasama niya si Sam, Fort's sister, sa worshop. And she'll play as Anna- Queen Elsa's sister.

Pinauna ko na silang apat dun. Susunduin ko pa kasi yung ibang Tigers. Manonood daw sila since wala naman daw silang gagawin ngayong araw. Sakin sumabay si Teng, Ferrer, Anj at si Mariano. The rest of them ay kay Forts na sasabay.

Stage PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon