The Legal S.

156 5 13
                                    

Nakokornihan talaga ako sa sinusulat ko. =_= Ayoko naaaaa. Hahahaha.

_________________________________________

The Legal S.

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Kassie ng makita niya si Jeron. Ayan kasi kanina pa kami tawag ng tawag sa kanya pero dedmatology lang ang loka.

"Hoy tianatong kita ano kakong sinabi mo?" sabi ni King Archer.

"Ha? May sinabi ba ako? Wala naman diba? Huy Ram, Louise wala naman akong sinabi diba?" Pangugulit samin ni Kassie. Pero dahil kami ay mababait na kaibigan hindi namin siya pinapansin pinagpatuloy lang namin ang pagkain. Aba! Ayaw nga namin masabit sa kahihiyan.

"Ano na? Tinatanong kita." Dun namin napansin na nakalapit na pala yung mga Tigre samin.

"Oh Jeron. Bakla ka pala eh. Hahaha. Alam na ba nila Tita 'to. Paps, alam mo ba 'to?" sabi ni Ferrer kay Jeric.

"Shoti, totoo ba 'to kelan mo balak sabihin samin 'to. Matatanggap ka naman namin eh." pang-aasar ni Jeric sabay tawa.

"Hoy Ferrer tigilan mo ako ah. Ilaglag kita kay Anj eh." banta ni Jeron kay Kevs.

"Uy Papa Jeron walang ganyanan. Loves mo naman ako diba?" Lumingon ako sa paligid marami palang nakatingin samin at tumatawa dahil sa kalandian ni Ferrer.

Lumingon ulit si Jeron kay Kassie. "Ano tutunganga ka nalang ba diyan? I'm asking you, what did you say a while ago?"

"Wala nga akong sinabi. Uy guys may group project nga pala kami una na ako ah." Palusot.com. "Humanda kayo sakin mmaya. Ang suppotive niyo kainis." Bulong pa neto samin.

"Hoy shorty tatakas ka pa ah. Sumama ka sakin at mag-uusap tayo." Hinawakan nito ang braso ni Kassie at lumginon kay Jeric. "Ahia, sumabay ka nalang sa kanila at magtutuos pa kami netong bubwit na'to." hinatak ni Jeron si Kassie palabas ng Mcdo at goodluck nalang sa kanya.

"Uy mga Paps. Si Ms. Stalker oh!" turo ni Ferrer sakin.

"Stalker? Mukha ba akong stalker? Kanina pa kayo ah!"

"Hoy miss bat ayaw mo pa kasing umamin?" sabi ni Lo.

"Hoy ka rin! Nanahimik lang ako sa coffee shop tas bigla mong sasabihin sakin na itigil ko na yung pang-iistalk sayo? Bat naman kasi kita iii-stalk? And do you have any proof that I'm stalking you?"

"Oo naman. Pagbibintangan ba kita kung wala?"

"Talaga lang ha? Pakita mo nga sakin!"

"Akin nayang phone mo." Sabay lahad yung kamay ne'to.

"At bakit? Anong kailangan mo sa phone ko?"

"You want proof right? Now give me your phone."

Dahil masunurin ako bata binigay ko sa kanya yung phone ko. Di ko makita kung ano yung hinahanap niya dun. Ilang sandali pa.

"Found it. Bat ba nakatago 'tong twitter app. mo?"

"Anong nakatago. Di ka lang sanay diyan. Oh nasan na yung proof na sinasabi mo?"

"Eto na nga. Ikaw si @AinaLouise."

"Ano ngayon kung ako si @AinaLouise?"

Tas pinakita niya yung mga interactions niya sakin. Halata ngang stalker pero may napansin ako.

"Wait. Hindi ako yan!"

"Anong hindi ikaw! Ayan oh huling huli ka na. Wag ka ng magdeny miss."

"Eh sa hindi namam talaga ako yan eh."

Para kaming sirang plaka dito. Pinagtatawanan na nga kami ng mga tigreng 'to eh. Isama mo si Ram. Ang supportive talaga ang sarap kutusan. Di pa rin kami tumigil ng biglang.

"Excuse me." Lumingon kami sa kanya. Isang babaeng may dala-dalang sketch book. Magpapa- autograph ata.

"Kim, papirma naman." nakangiting sabi nito sabay abot kay Kim nung sketch book na dala niya.

"Sure." sabi ni Lo sabay kuha nung sketch book. Binuklat niya yung sketch book na puro mukha niya. Yup, puro sketch ng mukha. Tibay ni ateng di kinaya ng powers ko.

"Uhmmm. San ako pipirma, Ate?" tanong ni Lo dun sa babae.

"Sa first page po." binuklat ni Lo yung first page. Blank page. Sinadya talaga niya siguro.

"Ano nga palang name mo?"

"Aina Luoise (luwoys)" ano daw?

"Ha?" pati pala 'tong adik na 'to naguluhan.

"Aina Luoise. L-U-O-I-S-E" Luoise? teka parang...

"Ah! Ikaw yun!" sigaw ko na ikinagulat naman nila.

"Anong siya yun?" tanong ni Ram sakin.

"Oy adik! Peram nga nung phone mo." sabi ko kay Lo.

"Bakit? Anong kailangan mo sa phone ko?"

"Basta ibigay mo nalang!" Binigay neto yung phone niya sakin at binuksan ko yung twitter.

"Ikaw nga! Ikaw yung stalker netong adik na 'to. @AinaLouise ako ikaw naman yung @AinaLuoise. LO yung sakin LU yung sayo." Hinablot naman ni Lo yung phone niya sakin tas tinignan yung twitter niya.

"Wait. So hindi ikaw ying stalker ko?"

"Ang kulit. Kanina ko pa sinasabi na hindi ako yun!"

"Miss, ikaw ba talaga 'to." napansin kong namutla yung babae at hindi mapakali.

"H-ha? ano? uhmm. ano? hi-hi-hindi ako yan!" hinablot neto yung sketchbook kay Lo sabay takbo.

"Hoy miss. sandali lang!" sigaw ni Lo dun sa babae pero nakalabas na'to. Humarap ito sakin saby kamot sa ulo.

"Oh ayan ah. Sabi nang hindi ako yung stalker mo eh." Sabay hila kay Ram palabas ng Mcdo. Ako na walk out queen.

Paglabas namin ng Mcdo sumakay agad kami ng jeep papunta sa LRT station.

"Louise, text mo nga si Kassie. Cut na uli ko eh. Tanong mo kung nasan siya."

"Sige." sabi ko kay Ram sabay dukot ng phone ki sa bulsa ko.

"Teka, Ram. Wala ba sayo yung phone ko? Wala sakin eh." medyo kinakabahan na ako 'di dahil sa phone mismo kundi dahil sa mga laman nun. Mga important contacts kasi yung nandon plus nandun ang complete shedule ko.

"Wala. Diba hawak hawak mo yun kanina? Hiniram pa nga ni Lo yun eh." Wait oo nga noh!

"Omaygad! sheeems!"

Sana lang masoli pa sakin yun.

_________________________________________

Eto ang pinakamahabang update ko so far. Hahaha.

Oy kayong dalawa di na kinaya ng powers ko kagabi.

Hi Ate Anj. hahaha. hintay lang sa kasal mo ah. hahahahaha!

Paki-proof read.

Stage PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon