Sorry kung ngayon lang 'to. BH ang pusong Bayrus ko baka madamay 'to pag sinabay ko dun 'to. BTW thanks to Kassie para sa unexpected UD. hahahaha. so here is it.
______________________________________________________________________________
For the first time in forever 2.0
Nandito kami ngayon sa sasakyan ni Lo, bale eight kami dito. Si Lo yung driver , si Mariano naman sa shotgun seat, ako, si Ram, Kassie sa back seat at sina Teng, Ferrer at Anj naman sa pinakalikod. Pinakilala na ni Ferrer si Anj samin, sabi niya childhood friend niya lang daw yun. Maniwala sa mokong na'to iba tumitig eh.
"Aina Louise, sorry nga pala ah. Yung sa alam mo na " sabi ni Lo
"Aina Louise talaga? Louise nalang. Okay lang yun, kalimutan mo na."
"Kaya nga LOuise nalang daw diba Ram?" sabi ni Kassie sabay tawa. Nag-apir pa silang dalawa. Kukutusan ko 'tong mga 'to eh. Tinitigan ko sila ng masama kaya mas lalo pa silang tumawa.
"Bat kayo tumatawa?" tanong ni Teng samin.
"Wala. Sadyang baliw lang talaga yung dalawang yan. Wag mo nalang pansinin." tinitigan ko yung dalawa tumahimik na pero halatang nagpipigil parin ng tawa.
Habang bumabiyahe kami walang tigil naman si Ferrer sa kakakanta.
" Let it go, let it go. Can't hold it back anymore. Let it go, let it go. Turn away and slam the door~~~" pumipiyok-piyok pa.
"Hoy Ferrer! Di lang makaget-over? tumigil ka na nga diyan naririndi na ako sa boses mo."
"Bakit ba? edi kumanta rin kayo.
'Cause for the first time in forever. There'll be music, there'll be light. For the first time in forever. I'll be dancing through the night~~~~..."
"Hoy Kevin babatukan na kita pag di ka tumigil diyan." sabi naman ni Teng dito.
"Kesa naman ikaw yung kumanta at least ako pangit lang boses ko, eh ikaw wala pa sa tono." hindi naman mapigilang tumawa lalo na si Ram halakhak kung halakhak. tinitigan lang siya ng masama ni Teng.
"Wag niyo nga akong pansinin kung gusto niyo sabayan niyo nalang ako. LOVE IS AN OPEN DOOOR~~" sabay binalibag 'to ni Mariano ng bote.
"Sabing tumigil ka na eh. Buti natatagalan mo yung boses neto." tanong ni Mariano kay Anj.
"Ganon talaga. Labs ako niyan eh. Diba best?" umakbay pa 'to kay Anj. Kaso di siya pinansin neto may hinahanap ata to sa bag niya.
"Nako Ferrer. Di lang nagsasabi yan pero rinding rindi na yan sa boses mo." sabi naman ni Lo.
"Eto. Buti marami akong extra." sabi bigla ni Anj. Binigyan niya kami ng tig-iisang pares ng di naman malaman kung ano.
"Ano 'to?" tanong ni Kassie.
"Ear plug. Alam niyo na in case of emergency." Napuno ng halakhakan ang sasakay habang si Ferrer naman ay mukhang tangang nagmumukmok sa isang gilid.
***
Kim's POV
Ilang sandali pa ay nandito na kami sa SM North. Nag-text sakin kanina si Mama. She told me na sa Yakimix nalang kami kumain. Pagpasok naman sa mall pinagtitinginan na kami ng mga tao or I must say pinagtitinginan si Teng ng mga tao. Siya naman pinakasikat samin eh. Sigurado akong maraming gustong magpa-picture sa mga yan hindi lang makalapit dahil marami kami.
Pagpasok namin ng Yakimix ay napansin ko agad ang isang long table. Nandito na pala sila at kami nalang ang hinihintay. Umupo na kaming lahat maliban dun sa tatlo.