Mayma nalang talaga ako.... May masulat lang. hahaha. fak. ayoko na sana matapos ko na 'to para wala na akong po-problemahin. Hahahaha!
_______________________________________________________________________________
Reason.
Eto yung mga panahon na tinatamad kang bumangon sa umaga. Yung panahon na mahal na mahal mo yung kama, kumot at unan mo. Yung 5 mins. ay nagiging 10, 15, 30 minutes. Yung panahong wala kang gustong gawin kundi matulog. Yung panahon na alas siyete na ng umaga pero madilim parin ang kalangitan. Tumingin ako sa wall clock sa kwarto ko, 7:00am na pala ng umaga. Ayoko pang bumangon pero binubulabog na nila ako. Tumingin ako sa labas ng bintana. Buti naman at hindi gaanong malakas ang ulan ngayon. I get up to my bed and do my morning rituals. I heard them knocking on my door again. My mom shouted that the breakfast is ready. Late ata siyang nagising ngayon at ngayon palang nakapag-prepare ng breakfast. Lumabas ako ng room ko at dumeretso sa kusina. Pagdating ko ay nakahanda na pagkain pero wala sila.
"Ma! Ako lang ba kakain mag-isa?" sigaw ko. Nasan na ba yung mga tao dito? Pagkasigaw ko nun ay may narinig akong maingay sa likod ko. Kaya lumingon ako.
"HAPPY BIRTHDAY, AINA LOUISE!" there I saw my Mom, Dad, my younger sister, Kassie, Ram and the gang. Ram was holding an Oreo Cheesecake with a sparkling candle on top. Then she walks towards me.
"Wazzup birthday girl! Make a wish and blow your candle." I close my eyes as I make a wish after. They clap after I blow my candle.
"Whooo. Kainan na!" masigalang sigaw ni Ram.
"Kahit kailan talaga 'to si Ram. Wala ng inisip kundi pagkain." sabi naman ni Kassie.
"Parang ikaw hindi ah." sabay upo sa dining table namin.
Pagka-upo ko, dun ko lang napansin na mesyo madami pala silang hinanda. May Tuna Pasta, Lasagna, Chicken, Fish fillet, meron pang macaroni salad. Yung totoo. Breakfast lang ba talaga 'to?
Pagkatapos namain kumain pinagbihis agad ako nung dalawa. Muntik ko ng makalimutan. Manonood nga pala kami ng practice game. UP vs UST. 10:00am yung start nung practice game. Sana lang umabot kami. Pagkatapos kong magbihis ay nagpaalam na kami sa parents ko bago umalis.
***
Kim's POV
5:00am ang call time ngayon. I set my alarm at 3:30 pero nagising ako ng 4:00. Shit. Male-late ako neto. May practice game pa naman kami against Ateneo & UP. Eto ang ayaw ko pag tag-ulan eh. Ang sarap lang matulog. Naligo ako, nagbihis tas diretso USTe na. Buti nalang hindi traffic. pagtingin ko sa orasan ko. Shit! 5:15 na, lagot ako neto kay coach. Pagpasok ko ng QPav sigaw agad ni coach ang bumungad sakin.
"Lo! Bat ngayon ka lang? 20 laps, move!"
Nilapag ko muna yung bag ko sa court side. Nilapitan ako ni Ferrer.
"Paps, bat ngayon ka lang? Alam mo namang may practice game ngayon eh."
"Napasarap lang ng tulog." sagot ko dito.
"Sabi ko naman kasi sayo sa dorm ka nalang matulog eh."
"Birthday ni Dad kahapon kaya di na ako nakabalik ng dorm."
"Ferrer anong ginagawa mo diyan! Go back to practice. Ikaw Lo. Simulan mo nang tumakbo!" sigaw ni Coach.
Nagstretching muna ako for five minutes bago tumakbo. Nakaka-10 laps palang ako pero pagod na ako. Nagpahinga at uminom muna ako sandali at tsaka nagpatuloy sa pagtakbo. Pagkatapos ko sa 20 laps ay pinasok na ako ni coach sa practice. 30 minutes before our match against the Eagles ay pinagpahinga na kami ni coach.