after 1234567890 yearsss. hahahaa. Kinilig kasi ako kay Lo asdfghjkl lang. ahihihi.
--------------------------------------------------------------
Plays & Games 1.2
LOUISE'S POV
"When the lights go out, we'll be safe and sound. We'll take control of the world like its all we have to hold on to. And we'll be a dream."
" Hoy Louise! Itigil mo na nga yang pagkanta mo, mawawalan kami ng customer neto eh. paulit-ulit ka nalang. Di maka- move on?!" sabi ni Kassie habang nakadungaw sa kitchen door.
"Paano ako makaka- move on eh nag-flying kiss lang naman sakin si Chris. Si Chris yun, friend, si Chris!"
"Wala akong paki sa Chris mo. Kung si Chros Tiu yan dinamayan pa kita. Osha balik muna ako sa pwesto ko."
Nandito kami ngayon sa Sweet Escape para tumulong kina Tita sa pagbe-bake ng cupcakes. Matao kasi ngayon dahil pasukan na. Since wala naman kaming magawa at dahil wala pa kaming pasok dahil nga naiba na yung school calendar, manggugulo este tutulong muna kami dito.
May kanya-kanya kaming task. Si Tita nagbe-bake, si Ram taga-kain este taga lagay ng icing, ako sa topping, si Kassi naman nasa counter.
Sumilip ako sa labas para tignan kung ano pang kulang dun. Medyo puno narin yung shop dahil uwian na ng mga estudyante. Malapit lang kasi 'tong shop sa dati naming school.
"Kassie, ano na bang kailangan dito para nailabas na namin?"
"Paubos na yung Red Velvet tas Chocolate Mousse. Maglabas narin kayo ng blueberry & oreo cheesecake. At paki sabi narin kay mama yung order ni Mr. Yap kinukuha na."
"K." tamad na sagot ako sa kanya.
"K as in Kim?" sabay halagapak ni Kassie.
Tinitigan ko lang siya ng masama at pumasok na sa kitchen at baka kung ano pang magawa ko sa babaeng yun.
---
KIM'S POV
Dahil malapit na ang season, puspusan na ang pagpa-practice naming lahat. Last playing year ko na 'to kaya dapat pag-igihan kong mabuti. Ilang drills pa ay natapos na wakas yung practice.
"Paaaaaapssss! Na-miss ko kayo." payakap na takbo ni Ferrer kina Teng at Forts.
"Hoy Ferrer, tigilan mo yan kung ayaw mong maupakan." sabi ni Forts habang naka-akamang susuntok.
"Grabe ka naman, hindi niyo ba ako na-miss?" tanong ni Ferrer.
"Hindi." sabay na sabi nung dalawang Jeric.
"Awwww." inarte ni Ferrer, nakalagay pa yung kamay sa dibdib.
"Hoy Ferrer, wag kang mag-inarte diyan. di bagay." sabay batok ni Teng kay Ferrer.
Nagshower kami pagkatapos ay dumiretso kami sa dorm. Dito kami mag-iistay lahat kasama nung dalawang Jeric dahil may outing kami bukas. Buti nalang at di pa maulan ngayon.
Habang nag-aayos ng gamit yung iba, lumapit ako kay Teng.
"Paps, patanong naman kay Almira kung may number siya ni Louise."
"Bat paps? dada-moves ka na?" tukso ni Teng.
"Adik! Miss na kasi siya ni Sam. Gusto siyang maka-usap."
"Wushu. Baka naman ikaw yung naka-mimiss. Ginawa pang palusot ang walang malay na bata." singit ni Ferrer sa kanila.
"Kahit tanungin mo pa si Sam." hamon ko kay Ferrer.