"You're leaving again?" Nasa harapan niya si Ana. Katabi niya ang mga maletang dadalhin nya sa kung saan man sya pupunta. Ngumiti sya sa hindi inaasahang bisita. "I just got here tapos aalis kana agad? Ngayon na nga lang kita nabisita dito."
"Sorry, Ana. I need to finish my works." Aniya.
"Com'n Maggie. The last you're here you didn't tell me. Nalaman ko na lang na nasa eroplano kana pala ulit. Flying to Hawaii. San ka nanaman pupunta ngayon?"
"California."
Ana scoffed. She can't blame her friend. Hindi talaga sya pwedeng magstay sa iisang lugar lang. "How about her?" Ang tinutukoy niya ay ang isa pang kaibigan matapos ng nakakagimbal na pagbagsak ng Saffron industry na pinapatakbo niya ay lumayo na ang loob sa kanila.
"I'll still watch over her." Tugon nito. "Right now, all I need to do is to find my sister. Hoping that when I get back, kasama ko na sya."
Tumango siya. She also wanted that for her bestriend. "Best lucks." Yun lang at sumakay na ito sa kotse. Saka iniwan sya doon dala dala ang pizza na pagsasaluhan sana nilang magkaibigan.
"Kuya, sige na ihatid mo na ko sa school! Babayaran ko na isang byahe mo! Late na ko eh.."
"Oh? Sakay na. Isang byahe naman pala eh. Hindi mo naman sinabi agad."
"Kanina ko pa nga sinasabi sayo kuya eh! Hindi ka naman nakikinig sakin. Ang sabi mo hanggang puregold ka lang!"
"Sige na. Sakay na. Kung isang byahe ang babayaran mo, ihahatid na kita sa school mo."
Sumakay na sya sa tricycle ni kuyang grabe demanding sa pasahero. Kahit pa mauubusan sya ng pera pangmiryenda nya mamaya ay wala na syang pakealam. Mas mahalaga ang makarating sya sa klase nya bago pa dumating ang professor nya doon. Baka ibagsak na sya kapag nahuli pa sya ulit.
Naghubad sya ng suot na tshirt habang umaandar ang tricycle. Nakasando naman sya kaya walang kaso sakanya yun. Wala na talaga syang pakialam.
"Huy neng! Anong ginagawa mo? Bakit dyan ka naghuhubad?" Gulat na gulat naman si manong driver sakanya. No pakels na kahit pa mamanyak sya nito. Muka namang hindi babae ang bet ni kuya eh.
"Magdrive ka nalang dyan kuya! Kailangan ko lang talagang magpalit ng uniform ko para deretso na ko sa classroom ko mamaya!"
Natatawa na napapailing nalang ang driver ng tricycle sa kanya pero hinayaan na lang din sya nito. Ano bang pakealam nito? Nakasando naman sya at hindi naman sya talagang naghuhubad.
Pagkababa nya ng tricycle ay inabot na nya dito ang bayad at mabilis pa sa kidlat na tumakbo patungo sa pinapasukan niyang unibersidad habang binubutones ang blouse nya.
"Late ka nanaman, Shaira!" Sigaw sakanya ng guard.
"Oo nga!!!!" Hindi na nya ito nilingon. Derederetso lang sya sa klase nya. Alam naman na ng guard yun. Hindi na nga sya nito sinisita dahil halos kilala na sya nito. Sa isang linggong pasok sa paaralan, isang araw lang ata sya hindi nalate. At alam naman na nito ang dahilan.
Dinig sa hallway yung magagaan nyang hakbang na sa bilis ng takbo niya ay kulang nalang liparin sya at tangayin ng hangin. Ilang hagdan pa ang inakyat nya. At ilang klase pa ang nabulagbog nya sa takbo niyang nakakapagpalingon sa mga estudyante.
Pero wala syang pakealam dahil malayo pa lang sya ay dinig na niya.
Dinig na nya ang prof nyang tinatawag ang buong pangalan niya.
BINABASA MO ANG
Bitter Chocolate [Completed]
General FictionNapakalupit ng mundo. Hindi ko inakalang ganito pala kalupit ang mundo. Sana hindi nalang ako nabuhay. Pero sa kabila ng matinding pait na hatid ng mga pagsubok ng buhay, makakatikim din pala ako ng tamis. Matamis na pagtrato. Matamis na pagmamahal...