Four

110 7 1
                                    

"Bakit nakatingin ka lang sakanya sa malayo? Bakit di mo sya lapitan at kausapin at kamustahin at kaibiganin?" Wika sakanya nito nang tabihan siya sa isang bench na nasa gilid ng field. Pinagmamasdan ang nag-iisang babaeng pinupuntahan niya sa school na pagmamay-ari ng papa niya. Kada byernes ay nagpupunta ang papa niya sa school at nagpupumilit syang sumama para lang tingnan sa malayo ang babae at tandaan ang muka nitong unti unti nang nagbabago habang nagdadalaga.

"Bawal." Sagot niya.

"Anong bawal?"

"Bawal akong makipagkaibigan sa mga estudyante dito." Paliwanag niya.

"Eh bakit sakin nakikipagkaibigan ka?"

Tiningnan niya ang ang katabi at kinunutan ito ng noo. "Hindi ka naman estudyante dito no. Baliw ka ba?" At saka na sya tumayo para bumalik sa office ng papa niya matapos muling sulyapan ang babae.








"Yung report mo ate Shai." Iniabot ni Shine ang isang folder kay Shaira na may lamang report ng grupo nila. Pagkatapos ay umupo sa tabi niya. "Babasahin lang yan ni Aloha tapos ikaw na mag eexplain. Okay ba yun?"

Tumango sya bilang tugon habang binubuklat ang mga papel na nasa folder.

"Ate Shai?" Tawag sakanya ng katabi.

"Oh bakit why?" Binalingan niya si Shine. Magkasalubong ang dalawang kilay nito habang nakatitig sakanya.

"Okay ka lang ba?" Sa tono ng boses ni Shine ay obvious na hindi siya mukang okay. Bakit nanaman ba? Uminom naman sya ng daily vitamins niya. Kahit na gipit na gipit, hindi niya pwedeng bitawan yung gamot na yun. Nakakainis na nga eh..

"Bakit? Muka ba kong puyat?"

"Oo." Pero kitang kita niya sa reaksyon ni Shine na nag-aalala ito sakanya. Lahat nalang ata ng makakausap niya ngayong araw ay nag-aalala sa kalagayan niya. Baka akala nila may sakit sya? "Your eyebags are so black." Dagdag pa niya.

"Ah.. Oo puyat nga ko. Haha." Pagka-out niya kasi sa office ng tita ni Lucas, nag-four hours duty pa sya sa grocery store kaya napuyat talaga sya. Plus, nagreview pa sya para sa exam nila sa Math.

Bitter Chocolate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon