Five

129 6 1
                                    

"Shaira.." Mahinahon ang tono nito. Kinikilabutan tuloy sya sa kung anong balak nito. Hindi naman maipagkakaila na si Mr. Davids ang pinakabata at pinakamaappeal na guro sa unibersidad. Lahat ng estudyanteng babae naglalaway sakanya liban nalang dahil sa masungit sya at kilalang walang puso. Kahit mga lalaki, tinitingala sya dahil sa taglay niyang katalinuhan at dahil talaga namang kagalang galang sya.

Pero nang tingnan niya kanina ang propesor, kanina habang nakaupo ito sa likod ng klase at nakikinig sa kanila, pakiramdam niya ay may parte sa kanya na nagsasabing kilala niya ang lalaki. Feeling niya ay may something.. May something na hindi niya maipaliwanag.

"Sir, wait!" Pigil niya dito. Kahit nanghihina siya ay kaya pa rin naman niyang makipagsagutan dito. "Sa tono po ninyo, parang may dapat akong ipaliwanag."

Hindi ito nagsalita. Waring nag-aabang ng sasabihin niya.

"Pagod lang ako sir. Dahil nga nagtatrabaho ako. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi at.. Masyado akong stress. Pero babawi ako sir. Aayusin ko na po yung next report ko. Promise." Inilahad niya pa ang palad senyales na nangangako sya.

"Okay.." Yun lang ang tugon ng guro sakanya.

"Tapos.." Dagdag niya. Hindi niya sigurado kung tama bang sabihin ito pero mainam na rin na alam ng propesor niya, prof naman niya to eh. "Isa pa sir, ayoko ng kinakaawaan ako. Dahil.. Hindi naman ako nakakaawa." Sinubukan niyang ngumiti sa harap nito pero mukang walang talab.

Siryoso pa ring nakatingin sakanya si Mr. Davids.

"Yun na ba yun?"

Medyo nagulat sya sa sagot nito. Honestly, hindi niya maintindihan ngayon ang pinapakitang pagtrato sa kanya nito. Dapat kasi ngayon, hindi na sya nito pupuntahan sa clinic or bubulyawan sya sa kapalpakan niya sa klase kanina. Pero hindi niya alam kung bakit parang ang lambing ng tono ng propesor sakanya.

"Opo." Sagot niya.

"Okay. I understand your situation Shaira. Kaya nga ko nandito."

Okay. Ito na sya. Sesermonan na niya ang kaawa awang estudyanteng wala namang ibang gusto kundi ang makapagtapos sa marangal na paraan.

"I wanna help you."

Napatanga sya sa sinabi ng kausap. Like, seriously? Kulang nalang ay ngumanga sya. Gusto niyang itanong dito kung anong nakain niya at bigla biglang mag-aalok ng tulong? Gusto niyang tumawa ng malakas sa harapan nito pero hindi niya magawa dahil kapag titingnan niya pa lang ang itsura ng propesor, napakasiryoso niya. At muka nga talagang siryoso sya sa sinabi.

"P—po?" Yun na lang ang naisagot niya.

"Yes. You heard it right, Filemon." Paglilinaw pa nito. At tinawag na sya sa apilyedo niya. So, siryoso nga si sir. "I wanna help you."

Hindi sya sumagot. Gusto niyang magtanong pero bigla siyang nahiya sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Kaya muling nagsalita si Mr. Davids, "Stop working part time sa kung saan saan." Aniya. "Start working for me."

"What??" Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi pa nito. Sunod sunod na kaisipan ang pumasok sa utak niya. Anong klaseng trabaho? May resto-bar ba sya at inaalok siyang magfull time doon? Or yaya? Or..

Or..

Or..

"As a student assistant dito sa school." Dagdag niya. "I'll provide your needs. Specifically, school needs."

"Ah.." Nakahinga sya ng malalim. Oo nga no? Pwede naman syang mag-S.A pero mukang mas maganda ang offer sakanya nito kumpara sa mga normal s.a

"Magdecide ka Filemon at kapag nakapagdecide ka na, don't hesitate to come to my office. You can start as early as possible." Yun lang at saka na ito tumayo't umalis sa silid. Ni hindi man lang nagpaalam.

Bitter Chocolate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon