Maraming part time job si Shaira at ngayong araw ng Sabado ay pinili niyang pumasok sa Chicken restaurant na pinagtatrabahuan niya.
"Maglampaso ka muna ng sahig Shaira. Paniguradong marami tayong customer ngayon dahil weekend." Kumindat pa sa kanya si Pia, isa sa mga nagluluto sa maliit na resto.
Sinunod niya ang utos ni Pia. Dahil wala pa rin naman ang amo niya, para atleast pagdating nito ay malinis na ang sahig at pwede nang madulas ang sinumang papasok sa loob.
Abala sa pagmamop si Shaira nang mapansin niya ang isang lalaki sa di kalayuan na nakatayo lang at nakatingin sa resto habang nakapamulsa. Tanaw niya yun dahil glass lang naman ang dingding ng beanery. Nang tingnan niya ang lalaki ay sya namang talikod nito at lakad paalis.
Ang kinatatakhan niya lang ay parang pamilyar sakanya ang tindig nito dahil hindi niya naaninag masyado ang muka. "Si sir Davids ba yun?" Tanong niya sa sarili habang nananatiling nakatanaw sa lugar na kinatatayuan nito kanina.
"Hindi yun si sir." Kamuntik naman na siyang mapatalon nang bumulong sa tenga nya si Jayson, isa ding cook sa restaurant.
"Ay palakang buhay naman Jayson bat ka naman nanggugulat?" Bulyaw niya dito.
"Ha? Di kita ginugulat no. Tulala ka kasi dyan baka di mo pa tapos yan. Mag oopen na tayo." Aniya nanv dumiretso na sa kusina.
Pinagpatuloy na lamang niya ang paglalampaso ng sahig habang umiiling iling pa sa naiisip.
"Oh, Lucas. Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa binata nang makita niya itong nakatayo sa tapat ng resto. 11 pm na at kakaclose lang ng shop.
"Grabe akala ko ba hanggang 10 lang tong part time mo dito?" Hindi niya sinagot ang tanong ni Shaira. Nasa bulsa ng suot nitong shorts ang dalawang kamay. Naka-white shirt at naka-rubber shoes. Kung titingnan sa unang tingin, hindi mahahalatang mas bata pa sa kanya si Lucas. Sa tangkad at laki ng katawan nito plus sa lupet pumorma, muka pa syang alalay ng binata.
"Masyadong maraming customer ngayon eh kaya late na nakapagclose. Eh bakit ka nga nandito?" Tanong niya ulit sa lalaking inagaw sakanya ang maliit niyang backpack at saka na naglakad. Sumunod na lang ng kusa ang mga paa niya sa kaibigan.
"Kinalimutan mo na agad." Sagot niya.
"Ang alin?" Habol habol naman niya ang kaibigang mabilis pa sa kabayo maglakad. Parang madaling madali lang.
"Diba may movie date tayo?" Huminto si Lucas at humarap sa kanya. Napahinto rin sya at kamuntik pang bumangga sa lalaki. "Tayo tayo nila Gel at Brian?"
"Ha? Oo nga no!" Bulalas niya ng maalala ang usapan nilang magkakaibigan. Sa katunayan, sa school sila lang talaga ang mga close niya. "Sorry. Oh tara na? Nasan na sila?"
"Umuwi na." Sagot nito at muli siyang tinalikuran saka naglakad. Sumunod naman din siya.
"Ayy bakit sila umuwi? Lucas?" Habol habol nanaman niya ang kaibigan.
"Kasi nainip sila. Ang sabi mo kasi hanggang 8 pm ka lang ngayon sa chicken star eh. Tas biglang umabot ka ng 11. Di ka pa nagrereply sa gc."
"Sorry.." Yun lang ang nasabi niya.
Huminto sa paglalakad si Lucas dahil sa stop light. Huminto rin si Shaira sa tabi niya nang walang salita. Tahimik lang si Lucas habang nananatili ang isang kamay sa bulsa at ang isa sa bag na nakasabit sa balikat niya. Tinitingnan lang nito ang mga dumadaang sasakyan.
Nakakaguilty naman.
Mukang tampururot si Lucas. Eh kung sya nga tampo, ano pa kaya yung dalawa?
"Eh bakit ikaw hindi ka na lang din umuwi?" Basag niya sa katahimikan.
BINABASA MO ANG
Bitter Chocolate [Completed]
General FictionNapakalupit ng mundo. Hindi ko inakalang ganito pala kalupit ang mundo. Sana hindi nalang ako nabuhay. Pero sa kabila ng matinding pait na hatid ng mga pagsubok ng buhay, makakatikim din pala ako ng tamis. Matamis na pagtrato. Matamis na pagmamahal...