Akala ko noon ang buhay ay tulad ng isang tsokolate. Gusto ng lahat kasi masarap at matamis. Ninanamnam hanggang sa unti unting mawala at maubos. Ibinibigay sa kasintahan tanda ng pagmamahalan. Pinag-aagawan dahil sa sarap nitong taglay. Ginagamit na sangkap sa ibat ibang pagkain. Mahal kung bilhin dahil mahirap gawin. Kung minsan pa nga ay nilalagay sa refrigerator para palamigin at panatilihing mainam ang lasa.
Pero hindi pala.
Sabi nila sakin, "Ang pag-ibig daw ay parang tsokolate. Kahit gaano pa ito katamis kapag napabayaan, maeexpired at meexpired parin."
Parang buhay din.
Matamis daw ang buhay. Masarap daw mabuhay dahil nga matamis ito at masarap namnamin. Pero syempre kailangan mong panatilihin ang tamis nito. Kailangan mong mag-effort.
Pero pano kung ginawa mo na ang lahat ng makakaya mo? Bilang isang ordinaryong nilalang, walang yaman, walang kapangyarihan, ginawa mo naman ang lahat pero kulang pa din. Kumbaga, "I did my best but my best wasn't enough."
Pano na?
Lalo pa kung nakatikim ka ng tamis. Sobrang tamis na akala mo ay wala na ang pait sa buhay mo. Na akala mo ay tuluyan na nitong mabubura ang pangit na lasa ng mga pagsubok sa buhay. Pero yung tamis na yun, saglit mo lang palang matitikman.
Pano na?
Haaayyyy.. Sabi ko nga hindi pala tsokolate ang buhay. Ngayon tuloy hindi ko alam kung makakatikim pa ba ko ng matamis na tsokolate o mananatili na lang ang pait dito sa dila ko.
Tulong?
@genesis
BINABASA MO ANG
Bitter Chocolate [Completed]
Ficción GeneralNapakalupit ng mundo. Hindi ko inakalang ganito pala kalupit ang mundo. Sana hindi nalang ako nabuhay. Pero sa kabila ng matinding pait na hatid ng mga pagsubok ng buhay, makakatikim din pala ako ng tamis. Matamis na pagtrato. Matamis na pagmamahal...