"This heart.." Damang dama ni Shaira ang sariling pintig ng puso niya. Sa lapit niya sa lalaki ay halos hindi na sya makahinga. Totoong mabango si Cyrus at kaakit akit.
Nakatitig lang sa kanya si Cyrus habang nananatiling nakayakap sa kanya. Nakaturo ang kamay ni Shaira sa dibdib nito habang nakatingin doon. "What's inside this chest, Cyrus?" Tanong niya.
Hindi ito sumagot.
"You know what? Kapag malapit ako sayo, nararamdaman ko yung puso ko. Pero feeling ko.." Hinawakan niya ang dibdib niya. "Pakiramdam ko yung pusong nandito sa dibdib ko," tiningnan niya ang muka ni Cyrus na noon ay matamang nakatitig na sa kanya. "Pakiramdam ko, hindi to sakin."
"No." Mabilis nitong tugon. "That heart belongs to you."
Hindi siya sumagot. Nakatitig lang sya sa muka ng lalaki. Kung gaano kaakit akit ang mga matang yun. Kung gano kaakit akit ang mga labing yun.
"And will always be." Dagdag niya pa.
Bumaba ang mga tingin ni Cyrus sa labi niya. Hinawakan nito ang pisngi niya at marahang lumapit sa babae. Marahang inilapat ang mga labi niya sa mga labi ng dalaga.
And the moment their lips touched, his tears fell like it's been a very long time. Na para bang napakatagal na panahon niyang hinintay na mahalikan ang mga labing yun.. Na para bang sa tagal ng panahon, hindi na maipapaliwanag pa ng mga luha ang kaligayahang nadarama niya ngayon.
Atlast, parang napakawalan na niya ang nararamdaman niyang itinago tago niya sa loob ng napakahabang panahon.
"Hindi siya pinatay ni papa! Hindi si papa ang pumatay sa kanya! Alam nyo yan!" Matapang na hinarap ni Shaira ang matandang babaeng nagpakilalang nanay ng director ng academy. Nakatayo sya sa tapat nito na kasalukuyang sinusuri ang painting sa opisina ng director na sya mismo ang gumawa.
Humarap sa kanya ang matanda at ngumiti ng makita sya.
"Ikaw si Shaira hindi ba?" Aniya.
"Bakit mo ko nginingitian?? Pagkatapos ng ginawa mo sa papa ko? Pagbabayaran mo yun! Alam ko ang katotohanan. Walang kasalanan ang papa ko!"
Humakbang palapit sa kanya ang matanda na nananatiling nakangiti sa kanya. Napipikon man sya pero pinigilan niya ang galit. Kinuyom niya ang mga palad.
BINABASA MO ANG
Bitter Chocolate [Completed]
General FictionNapakalupit ng mundo. Hindi ko inakalang ganito pala kalupit ang mundo. Sana hindi nalang ako nabuhay. Pero sa kabila ng matinding pait na hatid ng mga pagsubok ng buhay, makakatikim din pala ako ng tamis. Matamis na pagtrato. Matamis na pagmamahal...