Maagang nag-ayos si Shaira ng sarili niya. Kahit na tumanggi pa sya sa mom ni Brian ay pinilit pa rin siya nitong kumain doon ng almusal. Hindi na sya nakatanggi. Kahit na hindi na niya nakasabay sa umagahan ang kaibigan ay ayos lang. Maaga kasing umaalis si Brian sa bahay nila para magtraining sa swimming. 3 am palang ata ay wala na ito sa bahay.
Napakabait ng mom ni Brian at lahat ng nanay ng tatlo ay ang mom ata ni Brian ang pinakagusto niya. Kung ituring kasi siya nito ay parang anak na sya ng babae. Nagtataka man sya pero wala namang binabanggit sakanya ang babae. Palagi lang nitong sinasabing gusto kasi nyang magkaroon ng anak na babae.
Nang magpaalam sya kay Ana ay umuwi na sya sa bahay nila para magpalit ng damit. Hindi naman galit ang mama niya. Sa katunayan, inasikaso pa nga sya nito pag-uwi niya at gusto pa syang pakainin ng almusal pero tumanggi na sya dahil nga kumain na sya kila Brian. Kaya naman pala good mood ang mama niya, dinalhan pala sila ng pagkain ng mga kaibigan niya.
"Lumalaki na talagang utang ko." Bulong nalang niya.
Nag-ayos lang sya ng sarili at nagpalit ng uniform saka na nagpaalam sa ina. 6 am palang. Mamayang 10 pa ang pasok niya. At hindi sa kung saan mang part time ang tungo niya ngayon. Nagtataka man din sya sa sarili niyang desisyon ay hindi na sya aatras. Pakiramdam niya din kasi ay pwedeng maging lagusan ito. Lagusan sa katotohanang matagal na niyang hinahanapan ng laban.
Nang tumunog ang alarm clock ni Cyrus. Napilitan na syang bumangon dahil nasa malayo ang alarm clock niya. Hindi talaga niya tinatabi sa kanya ang maingay na orasan para mapilitan syang tumayo sa umaga. Kung minsan pa nga ay tinatago niya ito sa gabi para mawala ang antok niya kakahanap ng umiiyak na orasan.
6:00 am.
Nag-ayos na sya ng sarili. Naligo. Nagtoothbrush. Nagpagwapo. Nagpabango. Nagtimpla ng kape at kumain ng sandwich habang naglalakad sa basement ng apartment niya patungo sa kanyang sasakyan. Na kamuntik pa niyang makalimutan ang susi.
Medyo inaantok pa sya at nararamdaman nanaman niya ang pag-uunahan ng tibok ng mga pulso niya sa buong katawan niya kaya kinuha niya ang gamot na sya din mismo ang gumawa para iturok yun sa kanyang ugat. Naghahabol sya ng hininga nang sumandal sa upuan at unti unting tiningnan ang relo. Pinindot ang isang buton doon at lumitaw ang kanyang heartbeat.
98
97
96
95
94
Mabilis na bumababa ang heart rate niya hanggang sa bumalik ito sa normal. Saka na niya ikinundisyon ang sarili at nagsimula ng magmaneho.
Dala dala ang tumbler na pinagkapehan niya na hindi niya pa nauubos ang laman, pumasok sya sa opisina nang nanghihina. Dahil siguro sa gamot na itinurok niya sa sarili niya kanina.
Tuloy tuloy siya sa loob na waring hindi napansin ang taong nandoon. Nagtuloy tuloy sya sa desk niya na kamuntik pa niyang matapunan ng hawak na kape. Mabuti na lang at nakabalanse agad sya nang makakapit sya sa gilid ng mesa. Sumalampak agad ang binata sa swivel chair niya at doon sumandal at huminga ng malalim na para bang naghahabol sya ng hininga.
Muling bumaling sa relo. Pinindot ang isang buton doon at muling lumitaw ang kanyang heartbeat. Huminga ulit ng malalim at saka mabilis na bumaba ang pintig ng puso niya hanggang sa bumalik na sa normal. Saka muling sumandal sa upuan, pumikit at huminga ng malalim.
Nang dumilat sya at umupo nang maayos ay kamuntik nanamang sumabog ang puso niya nang makita ang babaeng nakaupo sa harapan niya na nakatingin lang sakanya. Agad syang napahawak sa kanyang dibdib.
BINABASA MO ANG
Bitter Chocolate [Completed]
General FictionNapakalupit ng mundo. Hindi ko inakalang ganito pala kalupit ang mundo. Sana hindi nalang ako nabuhay. Pero sa kabila ng matinding pait na hatid ng mga pagsubok ng buhay, makakatikim din pala ako ng tamis. Matamis na pagtrato. Matamis na pagmamahal...